Barangays > Tuban

Logo Brief History

Ang barangay ng Tuban ay matatagpuan sa katimogang bahagi ng bayan ng Sablayan. Ito ay may layong 16 kilometro mula sa kabihasnan (Town Proper). Meron itong 23,455 kilometro kwadrado kabuuang lawak ng lupain samantala 855 hektarya naman nito ay pagmamay-ari ng Leviste Estate: 385 hektarya naman nito ay pagmamay-ari ni Paulino Legaspi, 415 hektarya ay nasasakupan ng Land Reform at 61 hektarya lamang nito ang nasa kabahayan.
Ang kalupaan naman nito ay binubuo ng 40.0832% porsyento na kung saan ito ay ginagamit para sa pagtatanim ng palay, mais, mongo, mga gulay, taniman ng niyog, taniman ng saging at iba pang mga prutas, 8.52 % naman nito ay ang lawa, 21% ang kagubatan at 50.56% ang kabundukan. Ang ilang bahagi naman ng kabundukan ay ginagamit sa pagkakaingin. Ang mga bulubunduking may matataas na bahagi naman ay matatagpuan din dito.
Ang Barangay ay dating tinatawag na “Tubaan” sapagkat ang lugar na ito ay kilala dahil sa dami ng puno ng buli o buri na dito ay nakatanim na pinanggalingan ng isang uri ng alak na tinatawag nilang “tuba”.
Ang lugar na ito ay dating pagmamay–ari ng Leviste at Legaspi kung saan matatagpuan ang napakaraming baka at kalabaw. Sinasabing ang mga naunang residente sa lugar na nabanggit ay ang mga pamilya nina: Paulino Legaspi, Abraham Magno, Seprano Tolentino at Bonifacio Coloma na pawang mga taga Ilocos na nagsilipat upang humanap ng lupang maaaring mapagtamnan. Sila ay sinundan ng pamilya nina: Solon Dantay, Placedo Laudencia, Amancio Ducos Sr, (1956) at Ricardo Corpuz na nanggaling naman sa Zambales.
Noong una, ang Tuban ay napaliligiran pa ng mga punong buli, damo, at ang iba pang parte naman ay mistulang disyerto dahil sa graba at buhangin.
Taong 1970 nang maitayo ang unang primaryong eskwelahan yari sa dahon ng buri na naglalaman ng una hanggang ikalawang baitang. Kilala si Ginang Florina Malano–tubong La Trinidad, Benguet bilang kauna-unahang boluntaryong guro ng eskwelahan. Madalas na makaranas ng matinding tagtuyot ang mga magsasaka na siyang dahilan upang maipatayo ang sistema ng patubig sa pangunguna ni G. Placedo Laudencia na matatagpuan sa Sitio ng Buscad na hanggang ngayon ay nagsisilbing kapaki-pakinabang para sa mga magsasaka.
May mga di-pagkakaunawaang naganap sa Hacienda Leviste na nagbunsod sa pansamantalang pagkabilanggo ng ilang magsasaka na pinamunuan ni G. Rodolfo Rivera.Pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga taong naninirahan sa barangay kaya karamihan dito ay mga magsasaka, ang ilan ay may sariling sinasaka at ang iba naman ay mga tenant at farm laborer. Palay, mais, monggo at pagtatanim ng gulay na kung saan ang mga inaning gulay ay binibenta sa bayan. Ang pagtatanim ng produktong palay at mais ay 2 beses sa isang taon.
Lumipas ang ilang taon at lalong dumami ang mga tao na naninirahan rito kung kaya’t ang dating Tuban na nasasakop lamang ng Barangay Batong Buhay ay naihiwalay sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution No. 91-06 1991 sa panahon ng pamumuno ng Alkalde ng Bayan, Kgg. Godofredo Mintu, noong February 8, 1991.
Sa panunungkulan ni Kgg. Pedro dela Cruz nagkaroon ng survey at naipatayo ang tulay na kahoy ng Cayatas. Subalit dalawang taon lamang siyang nagsilbi bilang Kapitan dahil sa siya`y pumanaw na itinuloy ni Gng Delia Cachola ang di niya natapos na termino. Tumagal ang kanyang panunugkulan hanggang 1997.Sa kanyang panunungkulan naitayo ang lumang barangay hall, mga kalsada, health center, at nahati-hati na rin ang buong barangay sa mga Sitio. Ipinasa rin ang isang resolusyon para sa pagpapatayo ng Barangay High School, dalawang waiting sheds, basketball court, double barrel box culvert, at flag pole.
Mula 1997 hanggang 2010 ay ipinagpatuloy ni Kgg. Rolando Perez ang pagpapaunlad sa barangay. Noong Hunyo 1997 nagbukas ng extension classes ang Ligaya National High School. Ang eskwelahan ay gawa sa “kogon”, “pawid” at “sawali” (camarin). Makalipas ang maraming taon ang paaralang sekondarya ay nagkaroon ng kasarinlan at tinawag na Paulino Legaspi Sr. Memorial National Highschool (PLSMNHS). Sa panahon rin ng panunungkulan ni Kgg. Punong Barangay Rolando Perez naipatayo ang Botika ng Barangay, karagdagang eskwelahan, elektripikasyon at street lights, New Barangay Hall, Senior Citizens Building, Day Care Center Proper, Bailey Bridge, Solar Dryer at iba pang imprastrukturang naging kapaki-pakinabang sa buong barangay.
Ang barangay mayroong isang paaralang Pang-elementarya. Ito ay matatagpuan sa lugar na kung saan ito ay may sukat na 2000 sq. meter na inilaan sa Leviste Estate. Meron rin itong isang Mataas na Paaralan at tatlong Day care Centers upang mabigyan ng pangunahing kaalaman at edukasyon ang mga bata dito. Ang paaralang pangkolehiyo naman ay matatagpuan sa town proper, 16 kilometro ang layo mula sa barangay,
Meron din Barangay Health Center, mayroong isang midwife, dalawampu’t dalawa na Barangay Health workers, isang barangay nutrition scholar. Ang barangay ng Tuban ay mayroong sariling Family Planning Center para mabigyan ng maayos na serbisyo ang kalusugan ng mga tao sa barangay.
Nakapagpatayo din ng Material Recovery Facility (MRF) na matatagpuan sa barangay tamang 20 metro ang layo mula sa kanilang barangay hall. Gayunpaman, ang Tuban ay kinikilala ng Munisipalidad ng Sablayan na may pinakamahusay na pasilidad ng MRF taong 2009. Ito ay isang bahagi ng planong pamamahala sa basura ng barangay (SWM) na inutos sa ilalim ng RA 6969.
Mula naman taong 2010 hanggang 2013 ay ipinagpatuloy din ni Kgg. Villamor Daluñaza Jr.ang pagpapaunlad ng barangay nakapag patayo siya ng isang maayos na stage, nakapagbabakod din siya ng phase 1 Fencing of Barangay Hall, nakapaglagay din siya ng foot bridge papuntang cemetery,naka pag re gravelling din siya ng mga FMR mula Sitio Cayatas,Barangay Proper at sa mga Sitio Buscad nakapagpasa rin ng isang resolusyon upang mahiwalay ang kapistahan ng Patron ng Lady of Lourdes na dinadaos tuwing ika- Pebrero 11 dahil sa ipinagbabawal na ipagdikit ang petsa na kung saan ang barangay ay nagdaraos ng anibersaryo tuwing ika-8 ng Pebrero at ito ay nailipat ang pagdiriwang barangay tuwing ika-8 ng Marso ang anibersaryo ng pagkakatatag ng barangay.
Si Kgg. Villamor B. Daluñza Jr. ay lumabang muli ng Punong Barangay ngunit siya ay hindi nagwagi kaya siya ay isang termino lamang.
Mula naman sa taong 2013 hanggang 2018 ang nanalong Kapitan ay si Kgg. Larry G. De leon na ipinagpatuloy din niya ang pagpapapunlad sa barangay na kung saan dito na nagkaroon ng Evacuation Center at mayroon din siyang mga napa sementong daan sa Sitio Buscad at ganun din sa Proper, nakapagpatayo rin siya ng Artificial well na malapit sa evacuation center, concrete fence ng Elementary School at siya ay isang termino lamang sa panunungkulan.
Taong 2007 nang nagsimulang sumali/nakilahok sa KALAHI CIDSS NCDDP ang Barangay at si Gng. Nelda L. Magno ang unang naging BSPMC at ang kauna-unahang naging proyekto ay ang Construction of School Building 1 unit 2 classroom of Elementary School, Taong 2014 naman ang ikalawang BSPMC ay si G. Arthur Nocelo at ang naipatayong project sa KALAHI CIDSS- NCDDP ay ang Construction of Evacuation Center at kasunod nito ang concreting of Barangay road ito ay noong panunungkulan ni Kgg. Larry G. Deleon.
Taong 2018 naman sa panunungkulan ni Kgg. Rolando V. Perez ay muling lumaban ang barangay sa KALAHI -CIDSS MCDDP na ang naging BSPMC ay si Gng. Nelda L. Magno nanalong muli ang barangay at natamo ang proyektong improvement of Farm to Market Road na ito ay matatagpuan sa Sitio Tagbungan Barangay Tuban.
Taong 2023 naman ay napagkaloob ang barangay ng pondo mula sa Kalahi- Cidss NCDDP at ang kasalukuyang BSPMC ay si G. Villamor B. Daluñaza Jr.na ang proyekto ay Installation of Solar Street Light na malaking kapakinabangan ng barangay ang mga proyektong nabanggit.
Taong 2018-2022 sa panunungkulan ni Kgg. Rolando V. Perez ay maraming pagsubok ang naranasan ng barangay, katulad na lamang ng tag-tuyot na kung saan ang supply ng tubig ay kulang at sa tulong ng Bureau of Fire truck sa pamamagitan ng MDRRMO Sablayan ay tuwing ika tatlong araw ay nag-dadala sila ng tubig dito sa aming barangay upang masolusyunan ang nasabing problema,kasunod nito ang bagyong Tisoy na kung saan ay maraming ang naapektuhang magsasaka na halos wala ng inani, marami ring hayop ang namatay, may mga lumikas dahil sa lakas ng bagyo at maraming nasirang bahay.
Sa kasagsagan ng bagyong Tisoy ay may mga ilang bahay ang dinaanan ng buhawi na dahilan ng pag-kawala ng kanilang tirahan na ito naman ay may bilang na siyam na bahay ang napagkalooban ng financial assistance para makapag patayo muli ng sarili nilang matitirahan.
Naranasan din ng barangay ang dilubyong dala ng Covid-19 na kung saan ay mayroong dalawang namatay, marami rin ang nawalan ng trabaho, naapektuhan din ang mga negosyante dahil sa higpit ng sitwasyon ay hindi sila basta basta makapasok sa aming barangay, dumami rin ang kaso ng mga malnourished child, may kaso din ng maagang pagbubuntis dahil sa sistemang modyular ay walang ibang mapaglilibangan ang mga kabataan kaya naman marami ang naaadik sa social media.
Nakaranas din ang barangay ng engkwentro sa pagitan ng NPA at Army sa Sona 5B na ikinabahala ng lahat at mayroong tatlong pamilya ang naapektuhan at nabigyan ng financial assistance sa ibat ibang ahensya upang matugunan ang pangangailangan.
Ngayong taong 2023 ay malaking pagbabago ang naganap maraming mga proyekto ang dumating sa barangay na kapaki-pakinabang ng lahat ng mamamayan katulad ng construction of Public Market, Construction of Public Toilet, Construction of Terminal, Construction of FMR Sona 4B, Construction of Provincial Roads Sona 1A,5A, Construction of Multi purpose pavement Sona 1A,Construction of Covered Court, Installation of Solar Street Lights sa lahat ng Sona,Rehabilation of Day care, Center,Rahabilation of Health Center,Rehabilitation of Old barangay hall, construction of 3 units foot bridge,Improvement of Farm to Market Road Sitio Tagbungan, Rehabilation of Sitio Cayatas,Constuction of Solar Dryer at Concreting barangay roads Sona 5A at napagkalooban din ang barangay ng Patrol Service galing sa Munisipyo sa pamumuno ni Mayor Andres Dangeros para may magamit sa pag rescue sa mga nangangailangan,nakabili rin ang barangay ng isang unit na racall para panghakot ng basura ng garbage collector.
Sa kasalukuyan ay may proyekto pa ang Kalahi Cidss NCDDP ito ay ang 36 units na Solar Street Lights at kasunod nito ay may mga programa pang maipapagawa mula sa KALAHI-CIDSS. 

Mga Opisyales ng Barangay Tuban

Termino Titulo Pangalan
1991–1993 Punong Barangay Pedro Dela Cruz
1993–1997 Officer In Charge Delia Cachola
1997–2010 Punong Barangay Rolando Perez
2010–2013 Punong Barangay Villamor Dalunaza Jr.
2013–2016 Punong Barangay Larry De Leon
2018–Present Punong Barangay Rolando V. Perez

Barangay Officials

barangayofficial
Punong Barangay
Rolando V. Perez
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Roy L. Tibayan
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Willy T. Garlit
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Reynante M. Dela Cruz
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Lorna M. Bandolin
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Edwin L. Agbayani
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Ariel L. Dulueras
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Margene S. Bansag
barangayofficial
SK Chairperson
Kobie T. Lim
barangayofficial
Barangay Secretary
Melanie A. Arizo
barangayofficial
Barangay Treasurer
Nixon D. Paguagan

Tourist Spots

Mobirise Website Builder
Footer Logo
Contact Us

Phone
Mobile
Email
Fax

About
  • Sablayan LGU official website is developed primarily to serve as a centralized platform for the public to access important information, such as public services, policies, announcements, and contact details for government officials.

AI Website Creator