Barangays > San Vicente

Logo Brief History

Ang lupain ng Barangay San Vicente noong araw ay isang kagubatan na pinamumugaran ng iba’t ibang hayop tulad ng mabangis na tamaraw, baboy ramo at mga ibon. Ang ating mga katutubong mangyan ang syang unang nanirahan sa lupain. Nababalutan rin ang lupain ng mga Punong Katuray.
Noong dekada 1920 nagsimulang dumating ang mga migrante para linisin ang kagubatan. Nagmula rin ang mga migrante sa Bayan ng Sablayan at sa iba pang mga lupain sa Pilipinas. Magmula naman 1930 ay nagsimula ng manirahan at manatili ang ilang mga migrante sa lupain na puno ng katuray. Ang Pamilya nina: Genoveva Ortega Mercado na nagmula sa Murtha San Jose, Occidental Mindoro; David Profeta at Esperjun Misyon na mula sa probinsya ng Iloilo at Teodulo Urieta na mula naman sa Probinsya ng Aklan. Sila rin ang mga unang nagtanim at naghikayat sa iba pang mga bagong residente na maglinis ng lupain at magtanim. Humiling naman ang mga residente sa Municipal Council ng Sablayan para maging opisyal na Barrio at pormal na nga itong kinilala bilang Barrio Katuray sa taong 1946, at si G. Teodulo Urieta ang kauna-unahang itilaga na Tiniente del Barrio. Sa kanyang panunungkulan. Nagkaroon at nagbukas ang Paaralang Elementarya sa Barrio na mayroong tatlong kwarto para sa mga mag aaral na gawa lamang sa kahoy sa tulong ng bayanihan. Binuksan niya rin ang daanan ng Tuog at Calumpit para sa mga gustong makapag aral. Ilang taon pa ang lumipas sa kanyang panunungkulan ay Garde 1 hanggang Grade 6 na ang natuturuan rito.
Naitalaga naman si Tiniente del Barrio si G. Victoriano Bernabe noong taong 1957 na siyang humiling sa Municipal Council ng Sablayan na baguhin ang pangalan na mula sa Barrio Katuray ay maging isang Barrio San Vicente o Barangay San Vicente na hango ang salitang San Vicente sa pagbibigay parangal sa Director Vicente Lavidez, DECS Regional Director- ang pinaka unang opisyal na dumayo at nakarating sa Katuray Elementary School. Sa taon din na ito nagsimula ang pagtatalaga ng labindalawang 12 opisyal. Ang mga opisyal na ito ay sina: Ronilo Mateo at Catalino Antolin Jr. Nang pasimula naman ang taong 1958 hanggang 1960 ay naitalagang Teniente del Barrio si G. Federico Biagtan. Pinagtuunan niya ng pansin ang ating mga eskinita at mga daanan sa buong Barangay San Vicente. Sa lumipas na mga panahon sa taong 1961 hanggang 1963 ay naitalagang Teniente del Barrio si G. Florentino Fernandez sa kanyang panunungkulan ay nagkaroon Plaza ang Barangay. Dito na ginaganap ang mga pagpupulong pang barangay. Sa kanyang panunungkulan rin nagkaroon ng pansamantalang High School.
Sa taong 1964 hanggang 1968 ay nagkaroon ng pinaka-unang Barangay Election, at si G. Benjamin Clarin ang siyang nailuklok sa eleksyong ito. Sa panunungkulang ito ay nagkaroon nang malawakang pagpapa ayos ng mga daanan na konektado na sa Bayan ng Sablayan.
Kasunod ng mga taong lumipas nagkaroon ulit ng panibagong admistrasyon, na sa taon 1968 hanggang 1972 sa pagkaluklok ni Punong Barangay G. Cesar Urieta, na sa kanyang panunungkulan ay nagkaroon at naitayo ang isang Multi-Purpose Hall at isang Barak ng mga tanod. Pinaglaban niya ang Barangay San Vicente sa mga may-ari ng lupa para maibigay na sa mga kasalukuyang residente ang mga lupa ng walang bayad.
Pagkatapos naman nang panunungkulan ni G. Cesar Urieta. Sa taong 1973 hanggang 1983 ay pumalit naman ng panunungkulan si Punong Barangay G. Pablo Perez. Sa kanyang panunungkulan ay pormal ng nagbukas ang Barangay San Vicente National high School. Nagbigay rin siya ng lupa na magiging sementeryo para sa mga yumaong residente. Dito sa kanyang pamumuno nabuo ang Samahang Nayon- ito’y samahan ng mga magsasaka. sa panahon ring ito nagsimula ang Sangguniang kabataan.
Sa dekada 1983 hanggang 1984 ay panahon ng panunungkulan ni Punong Barangay G. Teodulo Gordulan ay tinutukan niya ang siguridad ng Barangay. Aktibo ang ating mga Barangay Pulis na mag ikot umaga at gabi upang magkaroon ng kasiguridad ang kanyang mga nasasakupan. Dito makikita mo na sa kanyang panunungkulan sumusunod ang lahat ng residente sa kanyang pagpapatupad nang kasiguridad ng bawat isa.
Taong 1984 hanggang 1986 ay panahon naman ng panunungkulan ni Punong Barangay G. Jose Nazareno sa kanyang panunungkulan ay nagbukas ang National High-way. At dito rin sa kanyang panahon tinawag na Plaza Mediola ang plaza ng barangay San Vicente.
Taong 1987 hanggang 1989 sa panunungkulan ni Punong Barangay Gng. Aquilina Delos Reyes, siya ang kauna-unahan at nag iisang naging kapitana ng Barangay. Sa kanyang panunungkulan ay naipasemento niya ang isang kilometro na daan sa Barangay
Taong 1989 hanggang 1997 sa panahon ng panunungkulan ni Punong Barangay G. Ronilo Mateo nagkaroon ng pangunahing kailangan ng Barangay, katulad ng Barangay Hall, Health Center, Waiting sheds, Alipid bridge, dalawang kilometrong farm to market road mula sa Sitio Libliban at Sitio Saligsig patungong Proper.
Taong 1997 hanggang 2007 sa panahon ng panunungkulan ni Punong Barangay Catalino Antolin Jr ay nagbukas ang maraming farm to market road: Malapaga St., Alfaro St., Angolon St., Urieta St., Dulweras St., Acuyong St., Dito rin sa panahong ito nakapagpagawa ng Senior Citizen building, Libliban bridge, Saligsig bridge, Malacaἥang bridge, Box culvert sa sitio Malapaga at Dulweras. Napagparenovate rin ng barangay hall. Mayroon ring solar dryers sa Sitio Malapaga at Sitio Saligsig.
Taong 2007 hanggang 2010 sa panahon ng panunungkulan ni Punong Barangay George Bocobo Sr. dito na nagkaroon ng konkretong Barangay Tanod Out Post, BNS Out Post, Box culvert sa Sition Bangcag, dinugsungan rin sa panahon ito ang Farm to market road Alfaro St. Nakipaglaban rin para sa makuha at makamit ang mga proyekto ng KALAHI Cidds kung kaya’t nagkaroon tayo ng siyam na classroom sa High School at apat na solar dyers ito nasa pangangalaga sa kasalukuyan na: Daupan, Neypes, Wilang at Manzano.
Taong 2010 hanggang 2023 ang panahon ng panunungkulan ng Punong Barangay G. Fernando L. Baliao Jr. siya ang nanungkulan ng tatlong termino. Dito sa kanyang panahon nakapag parenovate ng health center, nakapagpagawa ng bagong Barangay Hall, Pagbubukas ng FMR Tamo St. Pagkakaroon ng mga addition streetlights, tatlong gusali namay apat na silid aralan sa San Vicente Annex Elementary school, stage, multi-purpose hall, covered court, senior citizen building, gate, pagpapasemento ng Alfaro St., Magsaysay St., pagpapagawa ng San Vicente Annex Elementary school, TODA terminal, mga solar dryers at solar lights sa Sitio Saligsig, konkretong bleacher at steel bleacher.
Ngayong kasalukuyang taon 2023 sa pamumuno ni Punong Barangay Leslie V. Insigne ay ipagpapatuloy ang mga nasimulan at dadagdagan patungo sa pag asenso, sa tulong at awa ng Maykapal, kung paano tayo nagsimula sa isang maliit patungo sa isang buhay at barangay na mapayapa at handang tumugon sa hamon ng panahon para sa magandang kinabukasan ng baryo San Vicente. 

Mga Naging Opisyal ng Barangay

Termino Titulo Pangalan
1958–1960Teniente del BarrioFederico Biagtan Sr.
1961–1963Teniente del BarrioFlorentino Fernandez
1964–1968Punong BarangayBenjamin Clarin Sr.
1968–1972Punong BarangayCesar Urieta
1973–1983Punong BarangayPablo Perez
Barangay KagawadCatalino Antolin Sr.
Barangay KagawadLeonilo Cardenas
Barangay KagawadRafael Corpuz
Barangay KagawadCornelio Candalura
Barangay KagawadMariano Corpuz
Barangay KagawadFelix Perez
KB ChairmanLuis D. Perez
Barangay SecretaryAndres Pascua
1983–1984Punong BarangayTeodulo Gordulan
Barangay KagawadCatalino Antolin Sr.
Barangay KagawadLeonilo Cardenas
Barangay KagawadRafael Corpuz
Barangay KagawadCornelio Candalura
Barangay KagawadAquilina Delos Reyes
Barangay KagawadFelix Perez
KB ChairmanLuis D. Perez
Barangay SecretaryAndres Pascua
1984–1986Punong BarangayJose Nazareno
Barangay KagawadAquilina Delos Reyes
Barangay KagawadRafael Corpuz
Barangay KagawadLeonilo Cardenas
Barangay KagawadCornelio Candalura
Barangay KagawadCatalino Antolin Sr.
Barangay KagawadGregorio Dacayanan
KB ChairmanLuis D. Perez
Barangay SecretaryAndres Pascua
1987–1989Punong BarangayAquilina Delos Reyes
Barangay KagawadRafael Corpuz
Barangay KagawadLeonilo Cardenas
Barangay KagawadCornelio Candalura
Barangay KagawadCatalino Antolin Sr.
Barangay KagawadGregorio Dacayanan
Barangay KagawadMariano Corpuz
KB ChairmanLuis Corpuz
Barangay SecretaryAndres Pascua
1989–1992Punong BarangayRonilo Mateo
Barangay KagawadWilliam Gamon
Barangay KagawadVicente Necisito
Barangay KagawadPerfecto Ramos
Barangay KagawadGeorge Bocobo Sr.
Barangay KagawadPurificasion Calimlim
Barangay KagawadEufemia Urieta
KB ChairmanLuis Corpuz
Barangay SecretaryAndres Pascua
1992–1997Punong BarangayRonilo Mateo
Barangay KagawadWilliam Gamon
Barangay KagawadVicente Necisito
Barangay KagawadPerfecto Ramos
Barangay KagawadGeorge Bocobo Sr.
Barangay KagawadPurificasion Calimlim
Barangay KagawadEufemia Urieta
KB ChairmanLuis Corpuz
Barangay SecretaryAndres Pascua
1997–2002Punong BarangayCatalino Antolin Jr.
Barangay KagawadNenibeth Tacuel
Barangay KagawadDanilo Mendoza
Barangay KagawadEufemia Urieta
Barangay KagawadCecilia Avellana
Barangay KagawadRomeo Reyes
Barangay KagawadPerfecto Ramos
Barangay KagawadJaime A. Alferez
SK ChairmanMelchor Quiatchon
Barangay SecretaryFrancisco Fernandez
Barangay TreasurerDionisia Perez
2002–2009Punong BarangayCatalino Antolin Jr.
Barangay KagawadJerry Bandril
Barangay KagawadRomulo Dauran
Barangay KagawadAlfredo De Vera
Barangay KagawadAlberto Nazareno
Barangay KagawadNenibeth Tacuel
Barangay KagawadEdna Fernandez
Barangay KagawadJohny Tabuga
SK ChairmanMelchor Quiatchon
Barangay SecretaryFrancisco Fernandez
Barangay TreasurerRolando Bacolor
2007–2010Punong BarangayGeorge Bocobo Sr.
Barangay KagawadAlberto Nazareno
Barangay KagawadAlfredo de Vera
Barangay KagawadFernando Baliao
Barangay KagawadDante Mendoza
Barangay KagawadJaime A. Alferez
Barangay KagawadJerry Bandril
Barangay KagawadJohny Tabuga
SK ChairmanMelchor Quitchon
Barangay TreasurerDionisia Perez
Barangay SecretaryOliva Gantia
2010–2013Punong BarangayFernando Baliao Jr.
Barangay KagawadDante Mendoza
Barangay KagawadAlberto Nazareno
Barangay KagawadLucio Abiqui
Barangay KagawadAlfredo De Vera
Barangay KagawadCarlina Prieto
Barangay KagawadMelchor Quitchon
Barangay KagawadPerfecto Ramos
SK ChairmanRamil Marvil
Barangay TreasurerRica M. Gacusan
Barangay SecretaryNenibeth Tacuel
2013–2017Punong BarangayFernando Baliao Jr.
Barangay KagawadDante Mendoza
Barangay KagawadAlberto Nazareno
Barangay KagawadCatalino Antolin Jr.
Barangay KagawadGeorge Bocobo Sr.
Barangay KagawadCarlina Prieto
Barangay KagawadLeslie V. Insigne
Barangay KagawadNoli Dacayanan
SK ChairmanRamil Marvil
Barangay TreasurerRica M. Gacusan
Barangay SecretaryNenibeth Tacuel
2013–2017Punong BarangayFernando Baliao Jr.
Barangay KagawadCarlina G. Prieto
Barangay KagawadGeorge T. Bocobo
Barangay KagawadLolita D. Tesalona
Barangay KagawadAlberto M. Nazareno
Barangay KagawadNodemark C. Dacayanan
Barangay KagawadAlfredo M. De Vera
Barangay KagawadRandy A. Daupan
SK ChairmanAngelica C. Valleroso
Barangay TreasurerJennifer R. Balatero
Barangay SecretaryMarie Jane D. Diama
2023–kasalukuyanPunong BarangayLeslie V. Insigne
Barangay KagawadRichard C. Daupan
Barangay KagawadBernabe M. Vicente
Barangay KagawadRoderick M. Tardeo
Barangay KagawadLuis D. Perez
Barangay KagawadAlfredo M. De Vera
Barangay KagawadJaime A. Alferez
Barangay KagawadLolita D. Tesalona
SK ChairmanReymon R. Alcantara
Barangay TreasurerRica M. Gacusan
Barangay SecretaryJuliet G. Vicente

BARANGAY VISION MISSION STATEMENT

VISION:

Barangay San Vicente, sentro ng masaganang agrikultura, may sapat na imprastraktura, maunlad, mapayapa, protektadong likas na yaman, mamamayang malusog, aktibong nakikibahagi, sumusunod sa mga patakaran nang may pananalig sa Diyos, katuwang ang pamahalaang bukas at may pananagutan.

MISSION:

Pagsusulong ng balanseng kaunlarang pang agrikultura, pangkalikasan, ekonomiya, kagalingang panlipunan, tahimik, aktibong komunidad na sumusunod sa mga patakaran, at alituntunin na may pamahalaang mataas ang antas ng paglilingkod.

Barangay Officials

barangayofficial
Punong Barangay
Leslie V. Insigne
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Bernabe M. Vicente
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Roderick M. Tardeo
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Luis D. Perez
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Alfredo M. De Vera
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Richard C. Daupan
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Jaime A. Alferez
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Lolita D. Tesalona
barangayofficial
SK Chairperson
Reymon R. Alcantara
barangayofficial
Barangay Secretary
Juliet G. Vicente
barangayofficial
Barangay Treasurer
Rica M. Gacusan

Tourist Spots

Mobirise Website Builder
Footer Logo
Contact Us

Phone
Mobile
Email
Fax

About
  • Sablayan LGU official website is developed primarily to serve as a centralized platform for the public to access important information, such as public services, policies, announcements, and contact details for government officials.

AI Website Builder