Barangays > Santo Niño
![]() |
Brief History |
Ang Barangay Sto. Nino, Sablayan, Occidental Mindoro ay isa sa siyam na coastal barangay ng munisipalidad, may baybaying mahigit sa dalawang kilometro at ipinagmamalaki ng Barangay Sto. Niño ay ang napakagandang dalampasigan. Nakaharap ito sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Isla ng Mindoro at sa kalawakan ng silangang bahagi ng karagatang Tsina.
Ang Barangay Sto. Niño ay kilala dati sa tawag na Sitio Pinagtagaan, na hango sa kwento ng magkabarangay na sina Daniel at Felix sa kanilang iniirog na si Isabel. Dahil sa hindi makapagdesisyon si Isabel kung sino sa dalawa ang kaniyang pipiliin, ay nagdesisyon ang magkaribal na hatiin ang katawan ni Isabel at pagkatapos silang dalawa ay nagpakamatay. Ang pinangyarihan ng kwentong ito ay sa Pinagtagaan Creek na karugtong ng Sports Complex.
Naitalagang unang Teñete del Barrio ay si Felix Dawis, 1939, na sinundan ni Hilarion Cabantugan mula 1949-1952. Si Mario Aguilar ay naitalagang Barrio Leader at nanungkulan hanggang 1968. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, at sa tulong ng konseho ng barrio, ang barrio ay naging barangay.
Taong 1955, sa pamamagitan ng isang resolusyon, ang pangalang Pinagtagaan ay pinalitan ng Sto. Niño, para sa karangalan ng Poong Sto. Niño na siyang Patron nito hanggang sa kasalukuyan
Taong 1958 binili ang malawak na lupain ng pamilya Poblete ni Pablo Silva na nagmula pa sa probinsya ng Quezon at idinonasyon ito sa Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ni District Supervisor Primo Poblete para sa pagpapagawa ng paaralan. Taong 1963 naitayo ang Paaralang Elementarya ng Sto. Niño.
Unang naihalal na kapitan si Ludivico Monsobre Nicanor at nanungkulan mula 1968-1971. Ang unang mga naitalagang konseho ay sina Manuel Dantayana, Benito Barredo, Timoteo Zamora, Elvita Contreras, Herminigilda Aguilar, Lourdes Urieta bilang Kalihim ng Barangay at Ederlinda Nicanor bilang Ingat-Yaman. Sa panahon ng kanilang panunungkulan naitayo ang unang Tanggapan ng Barangay Sto. Nino. Sa panahon ng panunungkulan ni Roberto Aguilar (1971-1985) naipagawa ang tulay ng Alipid at Cologan Cementery.
Nanungkulan din bilang kapitan si Ricardo Silva (1988-1991), Jose Lising (1991-1994) at sa panahon ng panunungkulan ni Leonilo Cabantugan Nicanor (1994-2007) naipagawa ang Purok Center at Barangay Hall sa Zone 4 na ngayon ay Purok Mapagkalinga. Naipaayos ang Barangay Road sa Zone 6, nabuksan ang Zone 6 at Zone 7 at pagbubukas ng Karungcavan Cave sa So. Agsuli. Naitalaga din bilang kapitan si Violeta Sotto Obina (July-November 2007).
Mula taong 2007 hanggang 2016 ay nanungkulan si Edna Nicanor Mintu at mga myembro ng Sangguniang Barangay na sina Leo Guevarra Nicanor, Alfredo Cudiamat Ramos, Arnold Poblete Canals, Aida Malacad Lambino, Gloria Sotto Inmenzo, Elisa De Jesus Obina at Medgar Acosta Tulaylay. Ingat Yaman Chona Joy Talundata Seguros at Kalihim ng Barangay Dalia Javier Inmenzo (2015-2016).
Sa kanilang panunungkulan ay naipatayo ang Day Care Center sa So. Ilaya at sa So. Duhatan, pagsasaayos ng lahat ng Barangay Roads at Farm to Market Road sa So. Alipid. Naisayos ang Homeowners, Association sa Purok Matapat, nakapagpatayo ng Public Toilet at Barangay Talipapa sa Purok Matulungin.
Noong 2014 ang Barangay Sto. Niño ay isa sa nakaranas ng pagkasira ng mga bahayan, mga ari-arian, mga pananim at pagkamatay ng mga alagang hayop dulot ng bagyong Yolanda.
Taong 2015 ay unang lumahok sa KALAHI-CIDSS ang Barangay ngunit hindi pinalad na mabigyan ng pondo. Taong 2016 ay napasama ang Barangay Sto. Niño na mabigyan ng pondo mula sa KALAHI-CIDSS NCDDP at ang proyekto ay ang pagsesemento ng daan sa Purok Matapat.
Nakatanggap ang Barangay ng mga sumusunod na karangalan mula sa thematic area ng Seal of Good Barangay Governance (SGBG) sa taong 2015;
• Exemplary performance in the sphere of BARANGAY NATURAL RESOURCES MANAGEMENT
• Exemplary performance in the sphere of BARANGAY REVENUE OPERATION
• Exemplary performance in the sphere of BARANGAY FINANCIAL ACCOUNTABILITY
• Exemplary performance in the sphere of HUMAN RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT
• Exemplary performance in the sphere of EDUCATION CULTURE AND SPORTS
Nakamit muli ang Barangay Sto. Nino ng Second Highest Performance sa Seal of Good Barangay Governance (SGBG) Awardee para sa taong 2016 at nakatanggap ng halagang Dalawang Daang Libong Piso bilang premyo;
• Championing the principle of R.A. 7160 on service area of Citizens Participation, Education, Culture and Sports, Gender Sensitivity, Natural Resource and Management, and Basic Services and Facilities with the overarching goal of bringing about inclusive growth in the community.
• Championing the principles of accountability, transparency, and basic services delivery, with overarching goal of bringing about inclusive growth in the community.
• Exemplary performance in the sphere of Barangay ADMINISTRATION a thematic area of Seal of Good Barangay Governance for the year 2016.
• 2015 – CHAMPION ON PROVINCIAL FIRE OLYMPICS
Sa panahon ng panunungkulan ni Alfredo Cudiamat Ramos (July 2016-Jan. 2017) naisaayos ang Day Care Center-proper at Ilaya, pagpapakabit ng mga Streetlights sa Barangay.
Naupong Punong Barangay si Arnold Poblete Canals (Jan. 2017 – June 2018) bilang Successor ng dating Punong Barangay Edna Nicanor Mintu. Na-appoint bilang Kagawad sina Leonilo Cabantugan Nicanor, Vicente Aguilar Acosta Jr, Rolando Samino Sr, at Dalia Javier Inmenzo, Kalihim ng Barangay Melissa Roldan Almodal (2017) at Ingat Yaman Daisy Sotto Obina (2018). Napa simulan ang pagpapagawa ng Evacuation Center at ng Covered Court ng Barangay mula sa proyekto ng DPWH, pagpapakonkreto ng Barangay Roads, pagsasaayos ng bakod at gate ng paaralan ng Sto. Nino Elementary School, napakonkreto ang tulay na kahoy sa Purok Matapat, pagpatuloy ng pagpapakabit ng streetlights sa Barangay.
Taong 2018 ay nanalo muli ang Barangay sa KALAHI-CIDSS NCDDP para sa proyektong Concreting of access road sa So. Alipid, Purok Masinop.
Naihalal bilang Punong Barangay si Elisa De Jesus Obina at mga Barangay Kagawad na sina, Aida Malacad Lambino, Dalia Javier Inmenzo, Gloria Inmenzo, Angelo Barbolino Daluñasa, Corazon Salgado Abordo, Alfredo Cudiamat Ramos, Marilyn Delos Trinos Mendoza, at Sangguning Kabataan Chairperson Harold Sevial Cortez noong July 1, 2018., Itinalaga bilang kalihim ng Barangay si Melissa Roldan Almodal (2018-2023), Ingat-Yaman Riza Acosta Tadeo (2018-2020), Wella May Puyo Sodoy (2020-2021), Emelita Dancil Romaquin (2022-2023).
Muling nakatanggap ang Barangay ng poyekto mula sa KALAHI CIDSS MCDDP na 2 units 1 classroom school building para sa Sablayan National Comprehensive Highschool at 3 Units 1 classroom school building para naman sa Sto. Niño Elementary School.
Taong 2019 ay nakamit ng Barangay ang unang puwesto para sa BEST PERFORMING BARANGAY sa Seal of Good Barangay Governance (SGBG) Assessment para sa taong 2018. Naipasa ng barangay and 4 SGBG Performance Areas;
• ADMINISTRATION
• SOCIAL SERVICE
• ECONOMIC DEVELOPMENT
• ENVIRONMENTAL MANAGEMENT AND POLLUTION CONTROL
Nakatanggap ng Isang Milyong Peso ang Barangay bilang premyo sa isinagawang SGBG Assessment. Ang nakuhang premyo dito ay binili ng isang Mini-dump Truck na malaki ang kapakinabangan ng mga mamamayan ng barangay. Nagsisilbi itong sasakyan ng mga lumilikas na mamamayan sa panahon ng kalamidad, panghakot ng mga basura, ginagamit ding panghakot ng mga graba kapag kinakailangang magtambak ng mga nasirang daan at marami pang iba. Nakatanggap din ng iba pang karangalan ang barangay tulad ng mga sumusunod;
• 2019 -HIGHEST RANKING ON BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL
o 2020 -HIGH FUNCTION AND RATING OF 89.50% IN THE 2020 BARANGAY ANTI-DRUG ABUSE COUNCIL FUNCTIONALITY AUDIT
• 2021 - OFFICIALLY DECLARED AS DRUG-CLEARED BARANGAY BY REGIONAL
OVERSIGHT COMMITTEE ON BARANGAY DRUG CLEARING (ROCBDC)
• 2022 - EXEMPLARY PERFORMANCE IN SETTING THE DIRECTION OF ECONOMIC AND SOCIAL DEVELOPMENT IN ITS TERRITORIAL JURISDICTION THEREBY GARNERING A SCORE OF 101% (IDEAL) DURING THE CONDUCT OF BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL FUNCTIONALITY AUDIT
• 2022 – 5TH PLACER ON PROVINCIAL FIRE OLYMPICS
• 2023 – 2ND PLACER ON COMMUNITY FIRE AUXILLIARY GROUP (CFAG) OLYMPICS
Sa panahon ng panunungkulan ng Punong Barangay Elisa T De Jesus-Obina ay naisayos ang mga farm to market road, napasemento ang daan sa Purok Mapagmahal, Purok Masipag, Purok Magalang, Purok Matapat at Port Paraw Purok Mapagkalinga, Nabuksan ang daan sa Purok Magalang papuntang Kapatiran Village (KAVILLA), naglagay ng mga solar streetlights, nakapagpatayo ng gusali para sa mga mag-aaral ng Alternative Learning Sytem. Pagbukas ng daan papuntang So. Duhatan, Pagsasaayos ng tatlong Child Daycare Center, paglagay ng Solar Light sa Covered Court ng Barangay, pagsasaayos ng Barangay Health Station at pagbili ng mga kagamitan para dito,
Sa panahon din kanyang panunungkulan ay malaki ang problemang dinanas ng Barangay dulot ng bagyong Tisoy at Ursula (2019) at noong Marso 2020 ay isa ang Barangay Sto. Nino na labis na naapektuhan ng pandemya (COVID-19). Dahil sa pandemya at sa protocol na inilabas ng pamahalaan maraming mamamayan ng barangay ang nawalan ng pagkakakitaan, nagsara ang ibang tindahan, bilang tugon ay namahagi ang barangay ng ayuda o pagkain, dahil sa pangyayaring ito maraming mga indibidwal at mga negosyante at samahan sa barangay ay nagmalasakit at nagbigay ng tulong para sa mga mahihirap at labis na naapektuhan ng pandemya, malaki din ang tulong na natanggap mula sa lokal na pamahalaan at iba’t ibang ahensya.
Mayroong 162 mamamayan ng barangay ang naging positibo sa Covid19, at 6 ang nasawi dahil sanhi ng virus. Dahil dito mahigpit ang pagtalima at pagpapatupad ng pamunuan katulong ang Midwife, BHW at BHERT (Barangay Health Emergency Response Team) sa health protocols at lubos din ang kampanya ng pamunuan ng barangay para sa vaccination laban sa Covid-19. Mayroong 97.96% ng kabuuang populasyon ng barangay ang mayroong ng bakuna laban sa Corona Virus.
Taong 2021 ay unti-unting naging maayos ang pamumuhay ng mga mamamayan ng barangay.
Taong 2022 ay muling lumahok ang Barangay sa KALAHI-CIDDS MCDDP at nakatanggap ng proyektong Concreting of Barangay Road sa Purok Masinop, ang daang ito ay papunta sa So. Duhatan. Sa panahon ding ito ay nagkaroon ng “Human Chain” para sa pagpapagawa ng Daycare Center sa So. Duhatan, dinaluhan ito ng mga opisyales ng barangay, myembro ng Bethany, TAU GAMMA, Special Action Force, RMFB, at mga katutubong mangyan.
Sa panahon din ito ay naideklara ang Barangay bilang “Drug Cleared Barangay” Labis ang pagtalima at pagsuporta ng kaniyang pamunuan sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Taong 2023 ay isa ang barangay sa 19 Barangay ng Sablayan ang nabigyan ng proyekto mula sa KALAHI-CIDSS NCDDP Additional Financing ng proyektong Concreting of Access Road na matatagpuan sa So. Alipid, Purok Masinop.
Oktubre 2024 muling naihalal sa kanyang pangalawang termino si Punong Barangay Elisa T De Jesus-Obina, at mga Sangguniang Barangay Member na sina Kgg. Dalia Javier Inmenzo, Kgg. Danilo Sotto Obina Jr, Kgg. Gaudencio Pagador Ramos, Kgg. Corazon Salgado Abordo, Kgg. Marilyn Delos Trinos Mendoza, Kgg. Angelo Barbolino Daluñasa, Kgg. Rolando Loja Samino at Sangguniang Kabataan Chairman John Keannu Ramos Santillan, inappoint bilang Barangay Secretary Melissa N Roldan-Almodal at Barangay Treaurer Emelita Dancil Romaquin
Dahil sa patuloy na paglilingkod, lumalaban para sa patuloy na pagtaas ng ekonimiya at pagganap, ng mga tungkulin ng mga opisyales, Barangay Staff, Barangay Health Worker, Barangay Tanod, Lupong Tagapamayapa, Barangay Nutrition Scholar, mga Day Care Worker, Midwife at lalu’t higit ang pakikiisa ng mga mamamayan ng Barangay Sto. Nino sa mga plano, aktibidad at pagsunod sa pag-implementa ng mga ordinansa at batas mula sa barangay, lokal at nasyonal na pamahalaan ay muling nakamit ng Barangay Sto. Niño ang karangalan bilang Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB ) National Awardee para sa taong 2023 at taong 2024.
Website Software