Barangays > Santa Lucia
![]() |
Brief History |
Sa panahong hindi pa naidideklara na isang ganap na barangay ang Sta. Lucia, ito ay unang nakilala sa katawagang Baryo Halaw-hawan at Baryo Burut-burutan. Karamihan sa mga ipinapanganak sa lugar na ito ay pawang mga lalaki, madalang ang ipinapanganak na babae. Kung kaya’t dahil ito ang mga residente ay nagka-isa na ang lugar ay ipangalan kay Santa Lucia na isang babaeng santa. Ayon sa kanilang paniniwala na sa pamamagitan nito ay madaragdagan ng bilang na ipinapanganak na babae sa lugar. Sa mga panahong ito ang kabuuang sukat ng lugar ay nasa humigit kumulang anim na ektarya.
Ang ilang bahagi ng Sta. Lucia ang unang tinirhan ng mga tao bago ang pagsisimula ng ikalawang digmaang pandaigdigan at tinawag nila itong Halaw-hawan. Ang mga grupo ng tao mula sa Capiz at Antique ay nag-usap tungkol sa pagpapatakbo ng kanilang bagong tirahan. Sa pamamagitan ng dialektong tagalog tinawag nila ang pagpupulong na halaw, na kung saan dito nagmula ang pangalan ng lugar na Halaw-hawan.
Sa isang mapa na ipinakita ni Fr. Julian Duval, sinasabi dito na may labing dalawang bahayan lamang ang mayroon sa nasabing lugar. Dalawang sitio ang nasa ilalim ng pamumuno ng Halaw-hawan. Ito ang Burut-burutan na kung saan ay sityo ng mga katutubong mangyan at ang Buswangan na ngayon ay Brgy. Burgos.
Sa panahon ng mga Amerikano, ang Halaw-hawan, Tambungon, San Nicolas, at Malisbong ay pag-aari ni Gen. Emilio Aguinaldo. Nang siya ay namatay, ito ay minana ng kanyang anak na si Cristina Aguinaldo Suntay.
Dumating ang ilang pamilya mula sa Palawan at pulo ng Maningning, Antique at gumawa sila ng bahay kubo sa tabing dagat ng Halaw-hawan at Tambungon. Nilinis nila ang kagubatan at ginawa itong palayan at maisan. Hindi na napigilan ng tagapagmana ang pagpasok ng mga tao sa kanyang pag-aaring lupain. Nang maganap ang ikalawang digmaang pandaigdigan, ang mamamayan ng Halaw-borothawan ay lumipat sa Ligaya, Burut-burutan, at Concepcion. Marami din ang hindi umalis sa kanilang pinagtataguan at pinangalanan nila ang lugar na Burut-burutan dahil sa lamang ugat na burut-burutan na kanilang kinakain bunga ng kakapusan sa pagkain.
Nang maitatag ang SPPF- Sablayan Prison and Penal Farm sa panahong 1955, sa baybayin ng Halaw-hawan tinatanggap ng mga opisyal ang mga preso mula sa Maynila. Tinawag nila ang lugar na Receiving mula noon. Nagkaroon ng unang paaralan ng Elementarya ang Burut-burutan at si Rolando Damasco ang syang naging unang guro, kasabay ng pagiging ganap na Barangay ng Halaw-hawan at Burut-burutan taong 1949. Mula sa tawag na Halaw-hawan at Burut-burutan ito ay naging Sta. Lucia matapos na maging isang ganap na barangay. Dahil sa humigit kumulang isang ektaryang lupa na idinonate ng pamilyang Urieta, nakapagtayo ng mga silid aralan na magpahanggang ngayon ay elementarya parin. Sa panahong ito ang unang nanungkulan bilang Tenyente del Barrio ay si G. Necasio D. Urieta sa loob ng limang taon mula 1950- 1955. Sinundan ni G. Cristino Urieta na nanungkulan sa loob ng tatlong taon 1955-1958. Taong 1958- 1962 si G. Librica Pareñas ang syang nanungkulan bilang Tenyente del Barrio, at sinundan ni G. Nuadolado D. Urieta taong 1962 hangang taong 1967. Kasabay ng taong ito nagkaroon ng improvement ang eskwelahan nang ito ay mapabakuran, nagkaroon ng karagdagang guro si G. Felipe Villas, at nang maitanayo ang dalawang school building na tinawag na Magsaysay Type at Marcos Type. Sa mga panahong ito ang mga naging kagawad ng barangay ay sina BK Arnancio Peñamante, BK Planito Lastra, BK Isaac Soriano, BK Leoncio Urieta, BK Condrado Legaspi, BK Rodolfo Delos Santos, BK Eleonora Juniosa, at si BK Eustacio Bruan.
Taong 1968-1986 sa loob ng humigit kumulang 20 taon muling nanungkulan bilang tenyente del Barrio si G. Cristino Urieta. Ang San Nicolas, Malisbong, at Gen. Emilio Aguinaldo na hindi pa ganap na barangay sa mga panahong iyon ay nasasakop pa ng Barangay Sta. Lucia.
Taong 1974 nagkaroon ng kauna-unahang paaralan sa Receiving sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng mga mamayan at sa tulong narin ni G. Poperio Dela Fuente. Ang mag-asawang G. Cosme Alejandro at Gng. Teresita Alejandro ang siyang naging unang guro ng paaralan. Simula noong nagkaroon din ng mga karagdagang guro ang paaralan tulad nina Gng. Lolita Urieta at Gng. Rosalinda Urieta.
Taong 1972 nagsimula ang pamamahagi ng mga lupang nasasakop ng asyenda Suntay para sa mga magsasaka na umabot sa taong 2000 sa pamamagitan ng Department of Agrarian Reform (DAR) na naging simula ng pagbabago tungo sa pag-unlad ng barangay Sta. Lucia.
Taong 1986 nagsimulang mabago ang katawagan sa Tenyente del Barrio na naging Kapitan. Mula sa taong ito hanggang 1988 si Kapitan Amable B. Urieta naman ang siyang umupo bilang Kapitan ng barangay sa loob ng dalawang taon. Dahil sa pagbibitaw sa katungkulan bilang kapitan ng barangay, ang kasunod na tatlong taon 1989- 1992 panunungkulan bilang acting Kapitan ng barangay ay si Kapitan Rufio J. Lastra, sapagkat siya ang unang kagawad ng mga panahong iyon.
Ang kanyang panunungkulan ay nagpatuloy matapos ang tatlong taon ng siya ang maihalal bilang Kapitan ng barangay para sa taong 1992- 2002. Sa unang termino taong 1992- 1995 kanyang kasabay na nahalala bilang Barangay Kagawad sina BK Rogelio M. Dawates, BK Rosalito Juniosa, BK Antonio Dela Fuente, BK Antonio Florida, BK Myrna U. Casimero, BK Luzviminda P. Gaa. Ikalawang termino 1996-1999 nahalal bilang kagawad sina BK Espedito Francisco, BK Rogelio M. Dawates, BK Rosalito Juniosa, BK Luzviminda P. Gaa, BK Albert D. Corsame, BK Edmundo Navarro. Ikatlong ternimo 1999-2002 nalahala bilang kagawad sina BK Rogelio M. Dawates, BK Rosalito Juniosa, BK Luzviminda P. Gaa, BK Albert D. Corsame, BK Napoleon Silva, BK Romeo D. Legaspi.
Sa mga panahon nagsimula ang unti-unting pagbabago ng barangay, gaya ng pagbubukas ng paaralang elementarya sa Sityo Sahing at Sityo payompon; pagbubukas ng Day Care Center sa Sityo Receiving, Sityo Payompon, at Zone 1; pagkakaroon ng mga waiting shed, pagbubukas ng mga farm to market road, pagkakaroon ng mga solar dryer sa ilang bahagi ng Sta. Lucia, at higit sa lahat nagkaroon ng bagong barangay hall para sa mas magandang serbisyo para sa mga residente nito.
Taong 1994 nagkaroon ng paaralang pangsekondarya ang D-Shep Foundation Academy sa Sityo Receiving, na ang lupang pinagtayuan nito ay donate mula sa pamilyang Dela Fuente. Hindi lang ito bukas para sa kapwa relihiyon bagkus ay sa lahat ng mga estudyanteng nagnanais mag-aral dito.
Taong 2002- 2013 nahalal bilang Kapitan ng barangay si Punong Barangay Napoleon Silva. Sa kanyang unang termino 2002- 2006 kasabay niyang nalahahang bilang Barangay Kagawad sina BK Regenalde D. Viana, BK Caliv G. Marte, BK Albert D. Corsame, BK Pedro S. Dela Cruz, BK Romeo D. Legaspi, BK Nicanor Buendicho, at BK Luzviminda P. Gaa, SK Chair Andy Florida. Ikalawang termino mula taong 2007 hanggang 2010 nanungkulan bilang Kagawad sina BK Regenalde Viana, BK Caliv G. Marte, BK Albert D. Corsame, BK Pedro S. Dela Cruz, BK Romeo D. Legaspe, BK Nicanor A. Buendicho, at BK Luzviminda P. Gaa, SK Chair Ruby Ann A. Perez. Ikatlong termino mula taong 2010- 2012 BK Rogelio M. Dawates, BK Noel D. Viana, BK Rosemarie M. Mangao, BK Paterno A. Juniosa, BK Caliv G. Marte Sr., BK Norma N. Urieta, at BK Selvirio l. Buendicho, SK Chair Marjorie Cris Florida.
Sa mga panahong ito kanyang ipinagpatuloy ang mga proyektong nasimulan sa panunungkulan ni Kapitan Rufio J. Lastra, gaya ng instilasyon nang linya ng kuryente mula barangay Poblacion hanggang zone I, zone II (dating Sta. Lucia I), zone III (dating Sta. Lucia II). Ang pagbubukas ng Sta. Lucia National High School Annex, nagkaroon ng improvement ang barangay hall, nagkaroon ng mga street light, nagkaroon ng pagtatanim ng mga Hybrid na binhi maging ang mga punong kahoy, nagkaroon ng maayos na daan, nabuo ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan, mga livelihood program, , nagkaroon ng covered court, improvement ng waiting shed, construction ng waiting shed sa zone III, VI, at VII, improvement ng Day Care Center sa purok 5-8, solar dryer, at farm to market road. Ipinatayo ang boundary marker sa pagitan ng barangay Poblacion at Sta. Lucia, at maging ang multi-purpose hall sa zone 3 na mula sa LGU
Taong 2013- 2016 muling bumalik sa panunungkulan si Rufio J. Lastra bilang Kapitan ng barangay. Kasama nyang nanungkulan ang kanyang mga kagawad na sina; BK Nonieza R. Mase, BK Rosemarie M. Mangao, BK Noel D. Viana, BK Albert D. Corsame, BK LIzalde B. Lontoc, BK Roberto V. Perez, at BK Romeo D. Legaspi. Sa muling pagbabalik kanilang ipinagpatuloy ang pag-unlad ng barangay. Nagkaroon ng street light ang zone 6 (Sityo Payompon). Sa tulong din ng KALAHI CIDSS- MCDDP/ NCDDP naipasimento ang daan mula national road papasok ng Sityo Receiving, napatayuan ng karagdagang school building ang Sta. Lucia I Elementary School, at isang covered court ang naipatayo sa zone 2 (dating Sta. Lucia I) sa tulong ng Provencial governor Mario Gene Mendiola. Sa unang taon ng pagbabalik sa panunungkulan ni PB Rufio Lastra natapos ang nasimulang proyekto na multi-purpose hall sa zone III (Sityo Receiving) mula sa pondo ng LGU Sablayan, at sa tulong din ng programang Bottoms Up Budgeting (BUB) ay nagkaroon ng health center ang barangay Sta. Lucia, at ang opening of Farm to Market Road mula sa Sitio Pinaypayan hanggang Sitio Tabtaban na may sukat na humigit kumulang dalawang kilometro na nagmula sa tanggapan ng Bottoms Up Budgeting (BUB) with the counter part of LGU, at ang construction of multipurpose hall na mula sa tanggapan ng Congresswoman Josephine Ramirez Sato.
Sa taong 2014 ang barangay Sta. Lucia ay mayroong anim ng Day Care Center na matatagpuan sa Zone 5, 6, 3, 1, 2, at 8, na kung saan naging tatlo taong 2015 zone 3, 6, at 2. Taong 2016 ay muling nadagdagan ang bilang ng Day Care Center na ito ay naging lima sa zone 3, 6, 2, 8, 1. Na sakasalukuyan dalawa sa limang ito ay accredited nang bayan ng Sablayan. Kasabay nito ang pagkakaroon ng barangay ng pagawaan ng hallow blocks sa zone 6 na pag-mamay-ari ni Joseph Cudiamat.
Taong 2015 sa pamumuno ng bagong administrasyon nagkaroon ng iba’t ibang proyekto ang barangay gaya nang Construction of Street Light sa zone 2 buwan ng Hunyo, pagpapagawa ng Floating Cottage para sa Halaw- halaw Lake noong buwan ng Agosto, ang Rehabilitation of Barangay Hall buwan ng Setyembre, construction of Benches and Seesaw located at zone 3, improvement of CHB Fence (barangay Hall) noong buwan ng Disyembre.
Taong 2016, mas lalung makikita ang patuloy na pag-unlad ng barangay dahil sa patuloy din na pagpasok ng mga proyekto. Ang pagpapasemento ng bakod ng barangay sa buwan ng Hunyo, ang pagkakaroon ng play ground kalapit ng barangay hall, ang pagkakaroon ng stand marker sa zone 3 buwan ng Hulyo. For the month of August nagkaroon ng Construction of Steer Light at zone 6 at Consttruction of Movable Basketball Post with fiber glass board at zone 2 kasama ang pagpapailaw nito na nagmula sa PGO. Para sa buwan ng Setyembre ang barangay ay nakabili ng isang service vehicle (L300) na nabili at nakapagpagawa ng isang yunit ng Solar Dryer sa zone 7 na nagmula rin sa tanggapan ng PGO, at sa buwan ng Oktobre ang barangay ay nakapagpagawa ng signage ng barangay hall, at sa katapusan ng buwang nang taon ding ito nakapag-construct ng CHB Fence ang Sahing Elementary School sa tulong ng Sangguniang Barangay. Sa taong ding ito nagkaroon ng iba pang proyekto ang barangay tulad ng Construction of Foot Bridge sa Sitio Bintanang Bato, at maging generator na hanggang sa kasalukuyan ay syang ginagamit ng barangay. Sa taong ding ito naipatayo ang isang building kalapit din ng barangay hall na sa kasalukuyan ay ginagamit bilang session hall, Katarungang Pambarangay Corner, at Plan Corner. Sa panahong ding ito nailathala tuluyang natukoy ang Marine Protected Area ng barangay Sta. Lucia, ang Bintanang Bato, Receiving, at Dalipe na hangang sa ngayon ay patuloy na iniingatan at pinoprotektahan.
Sa pagkakahalal ng bagong lider ng bansa, nagkaroon ng karagdagang taong ang panunungkulan ng lahat nang mga opisyales ng barangay, dahilan sa maigting na pagpapatupad ng batas laban sa iligal na droga, at ang karagdagang taong na ito ay umabot ng isa at kalahating taon Disyembre 2016-Hunyo 2018.
Taong 2017, nagkaroon ng apat ng proyekto ang barangay sa tulong ng Kalahi gaya nang Solar Dryer sa zone 3 (KCNCDDP), classroom para sa I at II Elementary School (KCNCDDP), at Multi Purpose Pavement sa zone 3 (KC-MCC/ MLGU). Nangkaroon din ng karagdagan/ karugtong ang Foot Brige sa Sitio Bintanang Bato at sitio Lulu. Ang construction of Street Light sa Sito Lulu at Sitio Sahing, ang naipagawang Material Recovery Facility na tatlong piraso, at ang nangyaring rehabilitasyon ng Day Care Center sa zone 3 at 8.
Sa taong ding ito may ilang pribadong indibidwal at kooperatiba ang nakapagpatayo ng kanilang pangkabuhayan gaya ng pagawaan ng mechanical dryer sa zone 7 na pagmamay-ari ni Joseph Cudiamat at zone 3 na pagmamay-ari ng SLS-MPC. Disyembre 2017 nagkaroon ng pamamahagi sa mga IPs nag barangay sa pangunguna ng kasamahan ng MASA- MASID team na pinangunahan ni Pastor Jesus Diocadez na syang nakatalagang Chairperson ng samahan at sa tulong narin ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng punong barangay Rufio J. Lastra.Sa panahong ito ang tatlong taong termino ay nadagdagan ng dalawang taong panunungkulan natapos ang termino taong 2018.
Matapos ang isa at kalahating taon Mayo 14, 2018 muling nagkaroon ng halalan ng barangay at matapos ang botohan, nanatili sa ilalim ng administrasyon ni Punong Barangay Rufio J. Lastra ang pamamahala ng barangay kasama ng mga bago at datihan ng konsehal na sina BK Frederick N. Mangao, BK Jesus Q. Aguilar, BK Nonieza R. Mase, BK Rogelio M. Dawates, BK Dexter R. Lastra, BK Regenalde D. Viana, at BK Roberto V. Perez. Kasabay nito ang pagkakaroon ng mga bagong halal na pinuno ng mga kabataan, Gwen Garnet A. Gallego bilang SK Chairperson kasama ng kanyang mga konsehales na sina Agosto D. Austria, Antonette D. Daprosa, Lyka E. Dela Cruz, Lyca C. Solis, Jerryme L. Sales, Queen Nikki B. Mendoza, at Mark Elhem Urieta.
Sa taong ding ito, Agosto 23 nakaranas ng matinding sakuna nga komunidad dala ng bagyong Josie. Marami sa mga kabahayan ang napinsala nito, Sitio Sahing na kung saan halos lahat ng kabahayan ay nalubog sa tubig, ang ilang bahagi ng Sitio Payompon na umabot hanggang sa baywang ang tubig, sa Sitio Receiving ang mga bahayan na malapit sa baybaying dagat maging ang mga ito ay pinasok ng tubig, bagamat ang tubig ay hindi ng galing sa dagat. Liban dito ang pagkamatay ni Jessie Manago residente ng zone 5 sa kasagsagan din ng bagyong Josie, sanhi na sya ay nabagsakan ng malaking sanga ng Mahogany habang sya ay naglaalakad papuntang bukid. Ang nangyaring pag landslide sa Sitio Lulu sa panahong ding iyon na naging sanhi ng paglikas ng mahigit tatlumpong pamilya sa naapektuhan nito.
Ang kalamidad ding ito ang naka-apekto ng matindi sa mga mamamayan ng barangay, ang mga mangingisda na hindi makalaot dala ng malakas na hangin at alon at ang mga magsasaka na nasiraan ng mga pananim. Agosto 2018 muling nagsagawa ng pagpaplano ang barangay kasama ng iba’t ibang sector gaya ng magsasaka, religious group, solo parent, youth, leader ng bawat sona, iba pang association, Sangguniang Barangay, sa tulong narin ng LGU Sablayan.
Taong 2019, naipagawa ang foot bridge sa zone 4 na nag-uugnay sa zone 5 at foot bridge sa zone 3 na nag-uugnay sa kabilang ilog na sakop nito, kasabay ng pagpapagawa ng drainage canal ang zone 3. Buwan ng Disyembre 2019 ng pumalit na SK Chair si Hon. Agosto D. Austria sa dating SK Chair dahil sa pagpasok nito ng ibang trabaho sa ibang sangay ng gobyerno.
Taong 2020 Marso 15 nagkaroon ng pandaigdigang pandemya, kung kaya’t kinailangang magdeklara ng Pangulong Rodrigo R. Duterte na ang buong bansa ay sasailalim sa pangkalahatang lockdown. Sa pangyayaring ito marami sa mga residente ang naapektuhan mga manggagawa, namamasada, naglalako, at maging mga mag-aaral ay nahinto sa pagpasok sa eskwelahan at ito ay naging modular na pag-aaral. May ilang manggagawa din ang makaranas ng kahirapan sa pagkawala ng kanilang mga pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan.
Nagkaroon ng mga health protocol/ mga patakaran gaya ng isang miyembro lamang sa isang bahay ang pinahihintulutang lumabas upang bumili ng kanilang mga pangangailangan. Nagkaroon ng mga check point sa iba’t- ibang bahagi ng barangay upang masiguro ang siguridad ng lahat ng residente. Sa panahon ding ito ang bawat barangay ay inatasan na magkaroon ng kanya-kanyang isolation facilities, upang magamit sa pag-isolate ng kanilang mga residente na nagkakaroon ng mga sintomas. Sa panahon ding ito ang mga Day Care Center ang Senior Citizen, at ang Session hall lamang ang ginawang pansamantalang isolation facilities ng barangay. Ang mga pasilidad na ito ay maraming kakulangan sa mga kagamitan na lalung nagpahirap sa mga naka-isolate. Sa panahong ito ng pandemya ang barangay ay nakapagtala ng labing-limang bilang ng confirmed cases ng Covid-19 virus (5 lalaki, 10 babae). Matapos ma-quarantine labing-dalawa dito ay naka- recovered (3 lalaki, 9 na babae). Sa kasamaang palad ang tatlong apektado ng virus ay nasawi (2 lalaki, 1 babae).
Kasabay ng pandemya nagkaroon din ng mga pagbagyo gaya Bagyong Quinta. October 26, 2020 sa pagitan ng ika-02:00 - 03:00 ng madaling araw nagsimulang manalanta ang bagyong Quinta sa Barangay Sta. Lucia. Sa mga panahon ito marami sa mga magsasaka, mangingisda, at mga negosyo ang napinsala, at marami din sa mga kabahayan ang nasira nito. Dahil sa bagyo, nagkaroon ng malaking problema ang barangay kung panung ligtas na maitatawid ang mga residente patungong evacuation center. Hindi rin agarang nakapagresponde ang barangay sa mga residenteng apektado nito, dahil sa hindi maayos at binabaha ang daan. Sanhi ng pagbaha ng daan mas lumaki ang naging impak ng bagyo sa komunidad, marami ang nahirapang makatawid sa daan at makarating sa evacuation center lalung higit ang mga matatanda, bata, may kapansanan, mga buntis, at mga indibidwal na walang kakayahang pangalagaan ang kanilang sarili. Sa panahong ito ang mga eskwelahan ang siyang pinaglikasan ng mga residente, ang pasilidad na ito ay hindi man masasabing sapat para sa lahat ng inilikas kanilang ipinagpasalamat ang pagiging ligtas sa kabilang ng hirap sa pagtawid sa daan makarating lamang sa kanilang paglilikasan. Matapos ang paghagupit ng bagyong Quinta, hindi parin nawawala ng hirap ng komunidad sa naging pinsala ng daan. Hirap sa pagtawid ang barangay at ang iba pang ahensyang nagnanais na makapaghatid ng tulong sa mga residenteng apektado dahil sa hindi parin humuhupa ang baha sa daan.
Sa kabila nito, ang pagbabantay ng opisyales ng barangay sa pagpapatupad ng mga health protocol ay nagpatuloy hanggang sa taong 2021. Sa taong ito nagsimulang lumuwag ang gobyerno sa pagbabantay sa pandaigdigang pandemya. Sa pagluwag nito sa pagbabantay nagkaroon naman ng tinatawag na new normal. Kung saan pinahihintulutan ang paglabas ng bahay, muling pagbubukas ng mga pamilihan, eskwelahan, simbahan, at iba pang mga opisina. Subalit, mahigpit ang pagpapatupad ng minimum health protocol gaya ng social distancing at pagsusuot ng facemask. Dito, naipagawa ang solar dryer sa zone 2 at ang improvement ng basketvall court sa zone 2.
Taong 2022 nang maupo ang bagong halal na Presidente ng Pilipinas Ferdinand Marcos Jr. ay naglabas ito ng isang kautusan sa hindi sapilitang o pinahihintulutan na ang lahat na maaaring hindi magsuot ng facemask sa mga pampubliko o pridadong lugar.
Kasunod ito, muling nagbukas at nagsimulang magbigay ng proyekto ang DSWD KALAHI-CIDSS NCDDP AF. Base sa pinagdaaang proseso ng programa, ang mga mamamayan ang siyang namili kung anong proyekto ang paglalaanan ng pondo na magmumula sa World Bank sa pamamagitan ng DSWD KALAHI-CIDSS NCDDP AF. Ang pagpapakonkreto nng daan ang siyang napili at ito ay inilagay sa Isaac Street at Purperio Dela Fuente Street ng zone 3 Receiving. Kasabay ng pagproseso ng DSWD KALAHI-CIDSS NCDDP AF ang implementsyon para sa ilang proyektong napondohan ng barangay mula sa sarili nitong budget. Ang pagpapagawa ng solar dryer sa zone 6, pagpapasemento ng daan ng Nudualado Street sa zone 2, at ang pagpapagawa ng public sanitary toilet sa basketball court ng zone 2.
Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaan sa loob ng ilang taong mula 2018 hangang 2023 ang barangay ay tumanggap ng iba’t- ibang parangal mula sa iba’t-ibang agensya ng gobyerno at ito ay sa pangunguna ng Punong Barangay Rufio J. Lastra.
Year | Award / Achievement |
---|---|
2018 | Rank 2 and top performer in Administration, Transparency, Revenue Generation, Facilities and Customer Service, Education, Culture and Sports, Gender Sensitivity, Agriculture and Fishery, Natural Resources Management, and Basic Services and Facilities (Seal of Good Barangay Governance) |
2019 | First Barangay in the Municipality to complete submission of Barangay Gender and Development (GAD) Plan 2020 and GAD Accomplishment Report 2018 |
2019 | Rank 2 and top performer in areas under the Seal of Good Barangay Governance |
2020 | High Functional Rating of 85.25% in the 2020 Barangay Anti-Drug Abuse Council Functionality Audit |
2021 | Highest amount collected in Real Property Tax |
2021 | Highest Ranking Performer (94%) in the 2019 and 2020 (Average) Functionality Assessment for Lupong Tagapamayapa Incentives Award (Municipal Level) |
2021 | Huwaran at natatanging pagganap sa pagpapatupad ng Katarungang Pambarangay |
2022 | Rank 1 for the Lupong Tagapamayapa Incentives Award (Municipal Level) |
2022 | Rank 3 for the Lupong Tagapamayapa Incentives Award (Provincial Level) |
2022 | 2nd Placer in maintaining Clean and Green Environment |
2023 | Exceptional performance and outstanding achievements in Monthly, Quarterly, and Semestral Reports – 100% Rating on the 1st Semester of 2023 |
1955-1958
1965-1986
1961-1964
1986-1987
2002-2013
1998-1992
2002
2013-2023
2023-Present
Free AI Website Maker