Barangays > San Nicolas

Logo Brief History

Ang barangay San Nicolas ay isa sa dalamput-dalawang barangay sa Munisipalidad ng Sablayan. Ito ay kilala sa tawag na “Garu-Garu” na nagmula sa pangalan ng isang ilog sa lugar ding yaon. Ang mga katutubong Tao-buhid ang nagbigay ng pangalan sa lugar matapos nilang pagtayuan ng kanilang bahay ang lugar. Ang San Nicolas ay dating sitio ng Barangay Sta. Lucia kung saan ang lugar na ito ay kabilang sa Hacienda Suntay.
Sa lumang mapa na iginuhit ni Padre Murillo Vellarde isang espanyol na pare na ang lugar na ito ay dating maunlad na komunidad ng Dungon sa panahon ng espanyol. Base sa pagsasaliksik ni Anton Postma, ang Dungon ang unang pangalan ng lugar bago pa man maging garu-garu ito sa taong 1665.
Taong 1954, isang malaking grupo ng mga pirata ang dumaong sa dalampasigan lulan ng anim na Bangka ang sumalakay sa maunlad na lugar ng Dungon. Sinunog nila ang simbahan sa lugar matapos nilang makuha ang mga aklat at sari-saring kagamitang yari sa pilak. Pinutol ng mga pirata ang mga braso at ulo ng mga estatwa ng mga santo sa lugar, sinira nila ang mga lupang sakahan ng mga mamamayan at walang awang pinatay ang 45 kalalakihan at kababaihan at 98 ang kanilang ginawang mga bihag. Dahil sa masalimout na pangyayari at sa takot ng mga naninirahan sa pagbabalik ng mga pirating moro, nilisan nila ang lugar at nanirahan sa ibat-ibang sulok ng lugar. Ang lugar na ito ay huling naipasama sa mapa na iginuhit noong 1829 na may mga nakalathalang salita: “DONGON, A VISITA OF A CALAPAN NO LONGER INHABITED BY PEOPLE”.
Noong unang panahon bago pa man naganap ang Ikalawang Digmaang Pambansa, ang mga kauna-unahang pamilyang lumipat dito ay ang pamilyang nagmula sa lugar ng Maniguin, Kulasi, Antique na kilala sa tawag na Maningning. Ito ay pamilya nina Ginoong Marcelo Evangelista noong taong 1940 at sinundan naman ng pamilya nina Ginoong Paterno Jaranilla, Nicanor, Torres, Samar, Resurrecion, Martinez, Leopodo, Narciso noong taong 1948. Ang lugar na ito ay nababalutan pa ng makakapal na kagubatan, mga puno at mga halaman. Pinaninirahan ito ng mga hayop ilang tulad ng baboy-damo, usa, mga patong gubat, manok na labuyo at iba pang klaseng yamang tubig mula sa mga sapa at ilog nito. Ang magubat na bahagi ng barangay ay kinaingin at binungkal ng mga naninirahan dito upang taniman ng mga ibat-ibang pananim tulad ng palay, mais at ibat-ibang klase ng gulay. Ang pag-unlad ng lugar ay lubhang napakabagal sa kadahilanang hindi pa ganun kaunlad sa kaalaman ng pamumuhay ang mga tao dito. Bago pa maideklara ang Batas Militar noong 1970 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, ang sitio Garu-garu ay humiwalay na sa Barangay Sta. Lucia at naging isang panibagong barangay. Si Ginoong Lorenzo Evangelista ang unang Teniente del barrio sa pamamagitan ng pag-aaproba ng Punongbayan ng Sablayan. Sa panunungkulan ni Ginoong Evangelista ay napalitan ang Barangay Garu-garu sa bagong pangalan na San Nicolas bilang pagbibigay pugay kay Ginoong Nicolas Dawates- isang magiting at kauna-unahang guro na nagbigay ng serbisyo sa mga mamamayan kaya ipinangalan sa kanya ang lugar. Sa panahon din na ito naipatayo ang paaralang pang-elementarya sa pamamagitan ng pagbabayanihan.
Taong 1982, si Ginoong Leopoldo Martinez ang kauna-unahang punong barangay na nanalo sa eleksyon. Sa kanyang panunungkulan naihandog sa mga naninirahan sa lugar ang ibang porsyento ng Hacienda Suntay.
Muling nanungkulan si Resurrecion Ibuna mula taong 1986-1989. Sinundan siya ni Lucresia Dela Cruz (1989-2002) sa kanyang paninilbihan bilang kapitana, naipatayo ang ibat-ibang gusali tulad ng Barangay Hall, Health Center, mga tulay, Solar Dryers, Stage, mga talipapa, Day Care Center, Open barangay roads, 4 units of classroom, mga konkretong kanal pang –irigasyon, at iba pa. Si Gng. Lucresia Dela Cruz ang pinakamatagal na kapitang nanungkulan.
Taong 2002 nang manungkulan si Ginoong Bruno Calcana at sa panahon na ito nabuksan ang ibat-ibang kalsada para sa mabilis na pagpasok at paglabas ng mga produkto. Bakal na tulay ang nagdudugtong sa barangay San Nicolas at GEA. Sa panahon ding iyon nagbago muli ang Foundation Day ng barangay.
Taong 2007, nanalo muli si Ginoong Calcana pero binawian siya ng buhay pagkaraan ng anim na buwan ng kanyang panunungkulan. Dahil dito, si Ginoong Paterno Jaranilla ang nagpatuloy sa panunungkulan sa panahong 2007-2009. Nagpatuloy ang pag-unlad ng barangay. Pumasok ang ibat-ibang proyekto ng KALAHI-CIDSS na nakatulong sa patuloy na pag-angat ng barangay. Taong 2010-2013 si Ginoong Sixto Dela Fuente ang punong barangay, at sa panahon ng kanyang panunungkulan naipaayos ang Pamahalaang barangay, nakapagtayo ng 2-unit ng silid-aralan, naipasemento ang mga daan (FMR’s), naipabakod ang nasasakupang gusali ng barangay, MRF, expansion ng Mulltipurpose hall, at nahikayat ang mga mamamayan sa pagtatanim ng punongkahoy.
Taong 2013 ay nahalal bilang punong barangay si G. Oliver E. Jaranilla sa taong 2013-2018, ay maraming bagong imfrastraktura ang naitayo tulad nga lamang ng Evacuation Center, mga konkretong kalsada, MultiPurpose Hall na kasalukyang ginagamit na Barangay Hall, Waiting Shed, Fish Port, at Play Ground, nakapagbukas din ng mga daan sa Sona IV, Sona V at Sona VI, at daan palabas sa Brgy. Malisbong sa kasalukuyan ay may mga on going project na tinatayo tulad na lamang ng Tulay sa Sitio Bangcuro, Barangay Hall sa Sitio Pulang Lupa Sona IV, at Coverd Court sa Sona V. Sa panunungkulan ni G. Oliver E. Jaranilla ay mas maraming proyekto ang dumating at naipatayo sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng Gobyerno at ng KALAHI-CIDSS. Sa nakaraang halalan May 14, 2018 ay muling nanalo si G. Oliver E. Jaranilla bilang Punong Barangay ng Barangay San Nicolas, hanggang sa kasalukuyan ang mga proyekto na hindi natapos ay patuloy paring ginagawa at patuloy paring humihingi mga proyekto sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Nakapagbukas ng kalsada sa Coastal Road Zone IV, V at VI nabuksan din ang daan sa So. Pulang Lupa papuntang malisbong naipagawa ang Concrete Canal Irrigation, Brgy. Hall sa So. Pulang Lupa proyekto mula sa KALAHI CIDSS na concreting of FMR sa palibot ng Brgy. Plaza 2020, nagkaroon ng COVID ngunit ito naging hadlang para matigil ang mga proyekto ng Barangay sa kanyang panunungkulan sa kadahilanang ang Coastal Road ay naipasemento, ganoon din ang binuksan na daan sa Pulang Lupa ito ay naipasemento din nakabili ang barangay tatlong lupa. 1.4, 1.9 at 1.8 ektarya naka hingi din sila ng pambili ng lupa sa PGO na siyang pagtatayuan ng School Building na 1 ektarya kasalukuyang proyekto mula sa KALAHI CIDSS ang Construction of Water System Level II, ang isa pa sa napanalunan ang 1 unit 2 classroom High School Building at ang isa pang on-going project mula sa DPWH ang Coastal Road from Sta, Lucia- Burgos at Sea wall at napatayo din ang makeshift building sa pamumuno ni Kgg. Oliver E. Jaranilla. 

Barangay Officials

barangayofficial
Punong Barangay
Oliver E. Jaranilla
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Maricel D. Cadiao
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Richard D. Candelario
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Norberto A. Cualbar
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Norwel M. Delos Santos
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Ruffo T. Martinez
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Robert E. Narciso
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Betty C. Samar
barangayofficial
SK Chairperson
Allen Candelario
barangayofficial
Barangay Secretary
Kristina Casandra B. Sarabia
barangayofficial
Barangay Treasurer
Bleny T. Evangelista

Tourist Spots

Mobirise Website Builder
Footer Logo
Contact Us

Phone
Mobile
Email
Fax

About
  • Sablayan LGU official website is developed primarily to serve as a centralized platform for the public to access important information, such as public services, policies, announcements, and contact details for government officials.

HTML Website Maker