Barangays > San Francisco

Logo Brief History

Ang Bayan ng Sablayan ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro. Ito ay isa sa pinakamagandang bayan sa Lalawigan na binubuo ng dalawampu’t dalawang barangay at isa dito ay ang Barangay San Francisco.
Ayon sa kuwento ng mga naunang tao dito, anf dating tawag sa barangay na ito ay “Cabacungan” dahil sa marami dito ang halamang bacong-bacong. Ang katutubong “Alangan” ang unang tao na nanirahan dito. Sila ay nagtayo ng bahay kubo sa tabi ng lawa na tinawag nilang “lalaguna”. Nang panahong iyon pangangaso at pangingisda ang ikinabubuhay ng mga katutubo dahil sa marami pa ang mga hayop ilang gaya ng taramaw, buwaya, usa, baboy damo, at labuyo. Ang lawa, ilog at mga sapa ay sagana rin sa yamang tubig ng iba’t-ibang klase ng isda, suso at tulya.
Makalipas ang ikalawang digmaan, marami ang grupo ng mga magsasaka ang dumating mula sa iba’t-ibang probinsya kabilang na dito ang pamilya ng Ortiz, Mara, Sarzate, Vergara, Quinton, Nening at DEla Cruz. Sila ay nanirahan sa kaingin ng mga Alangan, kaya ang mga katutubo ay lumipat sa kabundukan. Nilinis nila ito at tinaniman ng mga palay at mais, at mula noong unti-unting naglaho ang kasaganahan ng likas na yaman sa Barangay dahil sa pagputol ng mga kahoy at pagkakaingin sa lugar. Nang panahong iyon ang Cabacungan ay Sitio ng Barangay San Vicente.
Noong 1969 nagbigay ng donasyon na lupa si Ginang Rosalia Quinton-Nening na pinagtayuan ng Elementarya sa tulong ni Kagawad Francisco Sarzate. Ang pagkakaroon ng Elementarya ay nakatulong sa mga bata upang matuto.
Taong 1970-1977, sa tulong ni Kagawad Francisco Sarzate, naging ganap na Barangay ang Sitio at tinawag itong San Francisco na binubuo ng pitong sona. Naging unang Kapitan Del Bario si Ginoong Joaquin Santos. Nakapagpagawa ng Flood Protection dike, pre-fabricated school Bldg. nabuksan ang mga daab, at nagkaroon ng irrigasyon na mula sa iloog Rayusan sa pamamagitanng pagtutulungan ng mga tao. Naging madali ang pagpapatayo ng Imprastraktura dahil sa marami ang graba at buhangin ang nakukuha dito. Nakatulong din bilang karagdagang pondo sa pagpapagawa ng imprastraktura, ang nakukulektang bayad ng mga trak sa pagkuha ng graba at buhangin dito.
Ang panunungkulan ni Kapitan Joaquin Santos ay kagyat na naputol dahil siya ay napaslang at ang sumunod na nanungkulan bilang kapitan ay si Kapitan Isidro Quinto na dating Kagawad. Di nagtagal ang panunungkulan ni Isidro Quinton dahil sa siya ay pumanaw din. Kaya ang sumunod na sa kanyang panunungkulan ay si Kapitan Isidro Naranjoso na dating kagawad. Muli ang panunungkulan ni Kapitan Isidro Naranjoso ay naputol dahil siya rin ay pumanaw, kaya sumunod na nanungkulan bilang kapitan si Kapitan Romeo Mara Sr.
Noong taong 1978 nagdaos ng halalan at nanalong Kapitan si Kapitan Armando Amores. Sa kanyang panunungkulan, naisagawa ang Bagong Lipunan School Building sa paaralang Elementarya ng Barangay San Francisco. Naisagawa rin ng panahong ito ang High-way ng lalawigan ng kanlurang Mindoro mula sa bayan ng Abra hanggang bayan ng Magsaysay. Naudlot ang panunungkulan ni Kapitan Armando Amores ng magkaroon ng Edsa Revolution noong 1986.
Dahil sa pagbabago ng Administrasyong pang Nasyonal nagtalaga ng mga Officer In Charge sa mga bayan maging sa barangay at dito’y naitalaga si Kapitan Castor Dela Cruz bilang OIC ng barangay San Francisco.
Dumating ang taong 1989-1994 at nagdaos na ng halalan sa barangay at nahalal bilang kapitan si Kapitan Cesar S. Pascual Sr. sa pamamagitan ng Magic Seven Election na kung sino ang pinakamataas ang boto ay suya ang manunungkulang kapitan.
Sa panunungkulan ni Kapitan Cesar S. Pascual Sr. ay naipagawa ang one unit classroom building sa paaralan ng elementarya ng San Francisco, gayundin ang concreting ng kalsada sa dalawang panig sa labas ng bakuran ng mababang paaralan na pinamunuan ng mga Barangay opisyal kasama ng mga guro at ng mga magulang na naisagawa rin. Ang eskinita ng F. Sarzate St. ay ginawa sa pamamagitan ng sama-samang pagtabon ng mga mamamayan kasama ang J. Rizal St.
Muling nagdaos ng halalan sa barangay at muling nahalal na Kapitan si Kgg. Cesar S. Pascual Sr. sa kanyang muling panunungkulan sinikap na makahingi ng donasyon ng lupa mula kay Engineer Silvino Pineda at ito’y naisakatuparan ng pamunuan ng barangay. Dahil dito’y nakapagpatayo ng unang Brgy. Hall, Multi-purpose hall Phase I, stage, solar dryer kasama ang basketball court, one unit CR, one unit two classroom ADB building sa paaralang elementarya, health center, at waiting shed sa lugar pa ring yaon. Binuksan din ang mga daan ng T. Tuscano St. sa Zone III, at ang daan sa tabi ng Catholic Church sa Zone I J. Rizal St. Itinayo din ng panahong ito ang Daycare Center sa Sona 6 (brgy proper), isinagawa ang mga Drainage/irrigation culvert, nakapagpagawa ng solar dryer at nakapagpatayo ng waiting shed sa highway. Siya rin ang nagbukas ng J. Santos St.
Nang panahon ding ito nagkaroon ng malawakang pagbaha na nakapinsala ng malaki sa mga sakahan kaya marami ang lumikas ng tahanan sa mataas na lugar. Ganon pa man pagkatapos ng kalamidad, muling nagsikap ang mga residente upang muling makabangon.
Taong 1997-2007 naihalal na Kapitan ng barangay si Kgg. Romeo Mara Sr. Kanyang ipinagpatuloy ang mga proyekto ng dating Kapitan. Sa kanyang panunungkulan ay nakapagpatayo ng Health Center at Extension ng barangay hall at siya din ang humiling sa OMECO na magkaroon ng pailaw ang Barangay San Francisco.
Taong 2007 muling nagkroon ng halalan sa barangay at muling naihalal na kapitan si Kapitan Cesar S. Pascual Sr. Nang panahong ito nakapagpatayo ng dalawang palapag ng barangay hall, nagkaroon ng high school building, solar dryer na ang pondo ay galing sa KALAHU-CIDSS concreting of brgy. Roads, Irrigation check gate, ipinaayos ang daycare center sa San Carlos, nakapagpatayo ng daycare center sa Hi-tri at Turawan, naglagay ng mga karadagang box culvert, ipinagpatuloy ang pagpapagawa ng Farm to Market Road, pagpapalaki ng lugar sa Sitio Kalbot, pagkakaroon ng resettlement site ng Tribong Alangan sa Sitio Turawan na may kasamang artesian well.
Tuwing panahon ng tag-araw, may nakokolektang pera mula sa sasakyan kagaya ng Jeep, Bus, Trak at iba pang sasakyan na dumadaan papuntang bayan ng San Jose at bayan ng Abra. ANg perang nakokolekta dito ay nakakatulong sa pagpapa-ayos ng daan. Hanggang sa kasalukuyan patuloy ang pag-unlad ng barangay San Francisco sa pamunuan ni Kapitan Kgg. Cesar S. Pascual Sr.
Taong 2013-2017, muling nagkaroon ng halalan na nahalal bilang Punong Barangay si Kapitan Noemer F. Sonio, sa kanyang pamumuno katuwang ang pitong nahalal na mga kagawad, mayroong mga proyekto ang nagawa para sa ikauunlad ng Barangay at mamamayan ng San Francisco, ipinagpatuloy ang J. Santos St.-Farm to Market Road sa tulong ng pondo na nagmula sa KALAHI-CIDSS, Evacuation Center sa Sona 5, RCPC sa Sona 1,4,5 at 6., 2 Unit Classroom sa Elementary, High School Fence, Construction of Covered Court, Concreting of Barangay Road (front of SACAMUCO), sa Sona 4-6, Mini Grandstand Sona 5, Renovation of Senior Citizen Building sa sona 5, Installation of Streetlights Zone 1, 5, at 6, 2 Unit Classroom at High School, Farm to Market Road sa Sona 2-3, Renovation of 4 Day Care Center Building, nagkaroon din ng Programa sa pamamagitan ng Plan International na pamimigay ng mga Baka at kambing sa mga mamamayan ng Barangay, pagbili ng lupang kinatatayuan ng Evacuation Center, at ang pagpapagawa ng mga handwashing sa Day Care Center sa pamumuno ni Kapitan Noemer F. Sonio.
Natapos ang kanyang pamumuno buwan ng Agosto 16, 2017. Sa taong ito naupo bilang Punong Barangay si Kapitan Janette A. Sarzate. Sa kaniyang pamumuno nakahiling ang barangay ng isang Covered Court para sa Paaralang Elementarya sa tanggapan ng Mahal na Mayor Eduardo B. Gadiano at Kitchen ng mga Day Care Center.
Taong 2018 ay nahalal muli si Kapitan Noemer F. Sonio subalit siya ay naalis sa kanyang panunungkulan sa dahil sa kasong naisampa sa kaniya. Nabigyan siya ng Dismissal Order mula sa tanggapan ng Ombudsman at COMELEC na naglalaman na siya ay hindi na maaaring muling kumandidato sa anumang posisyon ng Pamahaalan.
Sang-ayon sa itinatakda ng batas na kung ang namumuno na itinalaga ng mamamayan sa pinakamataas na katungkulan sa barangay (Punong Barangay) ay inalis o tinanggal sa anumang dahilan na nakasira ng kaniyang sinumpaang tungkulin ay papalitan ng una sa may pinakamataas na botong kagawad (first Councilor) na naganap sa halalan noong taong 2018. Sa taong 2019 pansamantalang itinalaga ang first Councilor ng barangay.
Sa taong 2019-2022 naitalaga ang 1st Councilor ng barangay bilang Office-in-charge/Punong Barangay na si Kapitan Jesusito Daprosa. Sa kaniyang pamumuno kaniyang ipinagpatuloy ang mga nasimulang proyekto ng barangay tulad ng Opening of Farm to Market Road, Concreting on portion of Road at Zone 5, Re-gravelling, Expansion of Health Center, Expansion of Evacuation Center at iba pa.
Sa kanyang pamumuno Marso taong 2021 dumating ang pang buong Pandemya na CORONA Virus o mas kilala bilang Covid 19.
Pebrero Taong 2022 ibinababa ang kautusan o pagpapasya na ang lahat ng boto na nakamit ni Kapitan Noemer Sonio ay invalid o walang bisa at ang sinuman na kandidato ang sumunod na may pinakamataas na boto ay siyang dapat at makatuwirang nanalo sa naganap na halalan noong taong 2018. Kung kaya’t dahil sa pagpapasyang ito muling napalitan ang namumuno sa barangay San Francisco.
Pebrero 06, 2022 pormal na idineklara ng Commission on Election (COMELEC) kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) na si Kapitan Janette A. Sarzate ang nagwagi sa halalan noong taong 2018. Sa kaniyang pamumuno muling bumangon ang barangay mula sa matinding epekto ng Covid-19. Sa kaniyang termino nag-umpisa ang pagkakaroon ng malawakang pagbabakuna (vaccination) upang malabanan ang Covid-19. Ipinagpatuloy din niya ang mga proyekto at programang nasimulan ni Officer-In-Charge Jesusito S. Daprosa tulad ng sumusunod. Pagbubukas ng mga Farm to Market Road, Pagsasa-ayos ng Evacuation Center, Re-gravelling, Pagsasaayos ng Protection Dike, Pagsasa-ayos ng mga lupa (Land Dispute) sa loob ng barangay. Sa kaniya ding pamumuno maraming resolusyon ang naihain at nabigyan ng positibong pagtugan tulad ng kahilingan na magkaroon ng Karagdagang Classroom ang San Francisco National High School, Kahilingan na lupang Donasyon para sa pagsasa-ayos ng Barangay Health Center at iba’t iba pang resolusyon na lubhang kapaki-pakinabang sa barangay. Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang pagpapagawa at pagsasakatuparam ng iba’t- ibang proyekto at programa ng barangay sa ilalim ng kaniyang pamumuno.
Sa pamumuno ni Kapitana Janette A. Sarzate nakapagbukas ng mga kalsada o Farm to Market Road sa Sona 1- Rong-Rong Balete St. at Sona 7. Naumpisahan at na-aprobahan ang resolusyon na magkaroon ng sariling pampublikong sementeryo ang Barangay. Napagkalooban ng Donasyong Lupa mula kay Gobernador Eduardo B. Gadiano, Nakapagpatayo ng bagong Health Station, naipagpatuloy ang J. Santos St., naipagpatuloy ang pagsasa-ayos ng Barangay Hall, Pagpapakonkreto ng kalsada sa Sona 1 mula sa pondo ng KALAHI-CIDSS NCDDP-AF, Nakapaglagay ng karagdagang Box Culvert at RCPC, nakapagpa-ayos ng mga Kalsada mula Sona 1 hanggang 7 ng barangay. Nagkaroon din ng karagdagang sasakyan ang barangay tulad ng Barangay Patrol mula sa LGU at Chariot mula sa PGO. Naipagpatuloy din ang pagsasa-ayos ng mga Day Care Center at Solar Dryer ng Sona 4 at iba pa. 

Barangay Officials

barangayofficial
Punong Barangay
Janette A. Sarzate
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Amelito D. Malanao
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Efren V. Balbin
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Francisco M. Nening
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Gladys Mae M. Mara
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Jessie F. Abalos Jr.
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Mar N. Albino
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Renato C. Tome
barangayofficial
SK Chairperson
John Paul F. Sapuez
barangayofficial
Barangay Secretary
Claudine G. Nening
barangayofficial
Barangay Treasurer
Leonilyn D. Dellava

Tourist Spots

Mobirise Website Builder
Footer Logo
Contact Us

Phone
Mobile
Email
Fax

About
  • Sablayan LGU official website is developed primarily to serve as a centralized platform for the public to access important information, such as public services, policies, announcements, and contact details for government officials.

AI Website Builder