Barangays > Paetan
![]() |
Brief History |
Ang lugar na ito ay kapatagan, na ang pwede lamang manitirahan ay mga tamaraw, at baboy ramo. Maraming malalaking punong kahoy, at ibat-ibang uri ng mga ibon. Nang mabuo ang sablayan sa panahon ng amerikano at panahon ng mga hapones, wala namang madugong labanan ang naganap sa pagitan ng sundalong Hapones at mga Filipino. Ang mga kapunan dito ay naging kahoy nalang na ginagamit sa paggawa ng mga kabahayan sa munisipalidad ng Sablayan.
Noong 1955, dumating sa Paetan ang pamilyang magkakapatid, sila ay ang pamilya nina Cacabelos, Tadeo, Maycong, Lorenzo, Adsuara, Manzon, Santos, Mandagan, Castro, Aladin, at De Jesus na galing sa Pangasinan at Bulacan. Mula noon nagsimula nang dumami ang naninirahan dito. Sinasabing mas madami ang kababaihan kaysa sa mga kalalakihan sa panahong ito.
Mula 1960 hanggang 1967 namumuno ang konsehal PABLO HERNANDEZ, ang unang naging opisyal ng ating baryo sa panahon na ang Barangay Paetan ay sityo pa lamang ng Barangay Victoria.
Sa panahong ito, ang pamilyang Adsuara ay naipamigay ang kanilang lupain sa mga taong naninirahan dito. Naging Teniente del Barrio si Mario Manzon ng mga taga-paetan. Napagkaisahan din ng mga opisyales at ng isang punong-guro (head teacher) na gawing paetan ang sitio ng Barangay Victoria.
Sa taong ding ito, ang pamilya ng magsasaka na galing sa Bulacan ay iniiwasan ang ‘di pagkakaintindihan sa pagitan ng rebelde laban sa gobyerno. Mas ginusto nilang manatili sa kakahuyan dahil tahimik dito. Naglinis din nila sa mga kakahuyan upang pagtaniman ng mga palay at mais. Isang araw, habang naghahanap sila ng pagkain, isang grupo ng magsasaka ang dumating malapit sa Viga River. Nalaman nila na ang ilog na iyon ay puno ng isda na tinatawag na ‘PAET’. Hinuhuli nila ito sa pamamagitan ng ‘ATAS’. Dahil tinawag nilang paet ang kanilang kinakain, napagkasunduan nilang ‘PAETAN’ ang itawag sa kanilang lugar. Gaya ng mga naunang barangay, nagsimula muna sila sa isang sitio, dahil sa patuloy na paglago ng lugar naging barrio narin ito noong taoong 1968.
Taong 1968 hinirang bilang Tenyente dilbaryo si MARIO MANZON hanggang 1973 sa panahong ito. Siya at sampu ng kanyang mga kasamahan ang unang nagpatayo ng Elementarya na yari sa kugon sa baryong ito.
Mula sa pamumuno ni MARIO MANZON, ang mga naging konsehal nito ay sina JUAN DE JESUS, PABLO HERNANDEZ, MELCHOR CAPALAD SR., ALEPEO CASTILLO, LEONARDO JIMENES, BERNARDO CASTRO, EUGENIO FLORES, Treasurer NESTOR PACHECO SR. at naging advicer naman nila ay si AMADO C. SANTOS mula sa pamumuno.
Noong kasalukuyang taon ng 1970, dumarami ang mga naninirahan dito. Sinasabing mas marami ang mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan na galing sa Ilocos at Visayas Region. Sa panahong ito kaunti lamang ang lupang sinasaka. Maliban sa pagtatanim ng palay, mais at gulay, naging pangunahing hanapbuhay ang pangingisda dito. Nagdesiyon ang mga residente na ipagtayo na ito ng imahe ng bato na nakalagay sa ibabaw ng gate ng kanilang paaralan. Sa panahon ng Martial Law ang grupo ng mga rebelde ay madalas na pumunta sa Paetan, kinukumbinsi ang mga tao na sumapi sa kilosan nila pero nanatiling matapat sila sa gobyerno para mamuhay ng mapayapa. Sa paglaon, lumaki ang kanilang lupang sinasaka dahil sa makenarya, nabuksan at nalinisan ang mga dating lupa na hindi pa sinasaka.
Nang panahon ding ito hanggang 1973, ang Baling Kawing River noon ang tinatawag na Viga Forest. Maraming klase ng mga hayop dito tulad ng unggoy, baboy ramo, usa, agila, labuyo, at marami pang iba. Madaming ding uri ng mga prutas ang maaring matatagpuan dito, at nang tumagal ito ay unti unti nang naubos dahil sinimulan na ang pagkakaingin ng mga tao. Dahil dito, nagkaroon ng pag baha at pag tibag ng lupa kung kayat ang Viga Forest ay nawala.
Noong 1974, nahalal bilang Punong Barangay si JUAN DE JESUS siya ay nanungkulan hanggang 1984. Ang kanyang mga naging konsehales ay sina DOMINGO CASTRO, FILEPE MAYCONG, TOMAS MAYCONG, ANTONIO ADSUARA, FRANK GUALON, BENJAMIN IMANA, at CESARIO DOMINGO, Secretary AMBROCIO MAYCONG at ang treasurer naman ay si FRANCISCO SAN DIEGO. Sa panahon ng kanilang pamumuno sila ay nakapag bukas ng barangay road at nakapag pagawa ng paaralan na yari sa kubo para sa mga batang mag-aaral.
Nang mga panahong ito nagkaroon ng isang malaking pagbaha sa Barangay Paetan dahil sa paniniwala na ang sinusundan ng pagbaha rito ay ang rebulto ng isda na ipinagawa. Naging epekto sa mga taga rito ay umapaw ang Viga River na sumira sa ginawang protection dike ng barangay.
Makalipas ang dalawangpong taon (20) muling nagkaroon ng election ng magic seven at nahalal bilang kapitan si RODOLFO PABLO SR. ang kanyang mga naging konsehales ay sina DOMINADOR CACABELOS, VERGILIO DERILO, CELSO CAMERO, RODOLFO JACINTO SR, FERNANDO DE JESUS, SEMEON GAMINO, at DELFIN CASTILLO at ang Sk Chairperson naman ay si SOBRINO SACDALAN. Sa kanilang panunungkulan, sila ay nakapagtayo ng kauna-unahang barangay hall, at daycare center, nakapag regravelling ng kalsada at nagkaroon ng extension ang paaralan ng elementarya.
Makalipas ang limang taon, nagkaroon muli ng election at nahalal sa unang termino bilang kapitan si FERNANDO DE JESUS (taong 1991 hanggang taong 2007). Nagkaroon siya ng limang extension sa kanyang panunungkulan, ang mga naging konsehales nito ay sina ROLANDO MALABUNGA SR, DONATO MAYCONG, LORETO FORTUNA, GILBERTO DAVAC, TEODERICO JAVIER, SIMEON GAMINO, at DELFIN CASTILLO at ang kanilang SK Chairperson ay si LUIS CAPALAD. Sa kanilang pamumuno nakapagpatayo sila ng bagong barangay hall, dalawang (2) daycare center, health center, plaza, tatlong (3) Unit ng solar dryer, RIC Center, nakapaglagay din ng bakod sa plaza, nakapagpasemento ng kalsada, culvert, FMR, multipurpose shed, waiting shed, at libreng pailaw sa Sona 6A at Sona 6B.
Makalipas muli ang tatlong taon, sa pangalawang termino, nahalal muli sa pangalawang pagkakaton ang Punong Barangay na si FERNANDO DE JESUS taong 2004, nahalal muli bilang kanyang mga konsehales sina JIMMY MAYCONG, ROLANDO MALABUNGA SR., JIMMY MARZO SR., ROGER VENTURA, DELFIN CASTILLO, ROLANDO JAVIER at RODOLFO JACINTO JR, at ang SK Chairperson naman ay si JEANELYN MARZO.
Taong 2007, nagkaroon muli ng election sa barangay. Nahalal bilang kapitan si RODOLFO S. PABLO SR. hangang taong 2010. Ang mga naging konsehal naman nito sina LARRY LORENZO, FRANCISCO CACABELOS JR., BERNARDO C. SAN DIEGO, LORETO FORTUNA, RODOLFO NAVARRO, LIWAYWAY CACABELOS, RODOLFO JACINTO JR. SK Chairperson na si G. ARNULFO JACINTO. Sa kanilang panunungkulan, sila ay nakapagpagawa ng dalawang (2) Unit ng solar dryer, FMR, installation ng culvert, tatlong (3) units ng elementary school building, barangay rescue vehicle Motorcycle at nagkaroon ng landscape ang barangay.
Pagkalipas ng ilang taon ay nagkaroon muli ng election at nahalal naman bilang kapitan si RODOLFO JACINTO JR., mga konsehales ng barangay na sina ROLANDO MALABUNGA SR., FEDERICO CAPALAD, LARRY LORENZO, ROGER VENTURA, BOBBY CASTILLO, MAURICIO BUNCAYAO JR., LORETO FORTUNA, SK Chairperson LUREN MAYCONG na hirang bilang kalihim si JOSEPHINE LAURETA bilang Ingat Yaman naman ay si REBECA MAYCONG.
Taong 2010 hangang taong 2013, sa kanilang pamumuno, nakapagpagawa sila ng tatlong (3) barrel box culvert, construction of roads, tatlong (3) units ng solar dryer, dalawang (2 daycare center na nasa purok 6 at 7, multi-purpose shed, waiting shed sa purok 2 at 5, barangay kitchen, renovation ng pasilidad par sa mga senior citizens, renovation ng Health center, at marami pang iba.
Octobre 28, 2013, sa pangwalaong pagkakaton, nagkaroon muli ng panibagong barangay eleksyon na kung saan ang nahalal na Punong Barangay ay si BERNARDO C. SAN DIEGO, mga naging konsehales nito sina LORETO FORTUNA, BOBBY CASTILLO, ROGER VENTURA, LARRY LORENZO, ROLANDO MALABUNGA SR., FEDERICO CAPALAD, at ARNEL NAVARRO na appoint bilang kalihim si CRISTANTO MARZO Ingat yaman naman si JENIFER KUYA.
Sa kanilang pamumuno, naipaayos nila ang covered court, napalagyan din ito ng bubong, atmaayos na pailaw na siyang pangunahing pangangailangan ng mga kabataan para sa kanilang libangan at makaiwas sa anumang maling gawain. Ang pagkakaroon ng street ligths sa mga kalsada ay isa rin sa kanilang mga naging proyekto at patuloy na pinagtutuunan ng pansin hanggang sa kasalukuyan. Ang pagkakaroon ng maayos at kongkretong daan para sa buong barangay ay kanilang naisakatupara, ang pagpapaayos barangay plaza, senior citizen building, daycare center, barangay police station at barangay hall, pagkakaroon ng solar ryer, Mmultipurpose hed, pagsasaayos ng mga culvert, waiting shed at ng kongkretong bakod ng barangay plaza, pagbabakod sa Paetan Elementary School at pagpapagawa ng dagdag na silid-aralan para sa mga mag-aaral, ay kanilang naisagawa sa panahon ng kanilang panunungkulan. Nagkakaroon din ng DA Sub-Office, nakapagpagawa ng Diversion Dam sa Zone 3 at Zone 6, at nagkaroon din ng Midwife na lisensiyado galing sa Municipal Health Office (MHO).
Taong 2015 buwan ng Enero, nakatanggap ng parangal na Seal of Good Barangay Governance ang barangay mula sa Lokal na pamahalaan. Ang parangal na ito ay ginamit ng mga barangay officials upang bumili ng rescue vehicle o ervice ng brangay at motorcycle para sa mga barangay tanod. Sa taong ding ito, naipatayo ang mga KALAHI Projects—concretingof roads mula sa Zone 3 at Zone 4, concreting of solar dryer. Isa rin ang barangay Paetan sa nabiyayaan ng tulong sa pangunguna ng mga nahalal at naitalagang opisyales ng barangay at mga opisyales ng pamahalaang lokal. Ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga katutubo ay isa rin sa mga pinagtutuunan ng pansin. Sila ang nagkamit ng pangalawang pagkakilala sa kanilang kahusayan sa panunungkulan at nanguna rin sa pagkamit ng mga parangal para sa pag unlad ng barangay. Taong 2017, nakatanggap ulit ng isang parangal ang barangay mula sa Seal of Barangay Good Governance na siyang nangunguna sa pagkakilala sa kanilang kahusayan sa panunungkulan.
Taong 2018, nagkaroon ng panibagong eleksyon matapos ang ika-walo, muli, Nahalal na Punong Barangay na si KGG. BERNARDO C. SAN DIEGO. Nahalal naman bilang kagawad hanggang sa kasalukuyan sina Kagawad FE M. DE JESUS, ANACLETO D. CASTILLO, FEDERICO S. CAPALAD, JIMMY C. MAYCONG, ROLANDO S. MALABUNGA SR. JOSELITO M. MANDAGAN SR. at kagawad RODOLFO D. NAVARRO SK Chairperson MA. THERESA T. ACOSTA. Na apppoit bilang kalihim na si ROSLIE T. MIOLE at Ingat Yaman naman na si PRINCESS D. DOMINGO.
Sa kanilang pamumuno, pinagpatuloy nila ang magandang pamamalakad sa barangay, sa tulong ng natanggap na parangal mula sa lokal ng pamahalaan, nagkaroon ng sariling opisina ang Barangay Nutrition Scholar (BNS). Naipagawa ang nutrition post at napaganda ang barangay hall. nakapagpagawa rin ng session room nakabili ng mga gamit sa opisina gaya ng isang (1) set ng sopa, isang (1) unit desktop, isang (1) unit ng printer, office chair, at dalawang (2) yunit ng telebisyon.
Sa patuloy nilang pamumuno—taong 2019 nakaranas ng matinding pandemya ang Barangay Paetan, ito ay ang COVID 19, dito naranasan ng mamamayan ng barangay ang matinding kahirapan dahilan nagkaroon ng lockdown, sa panahong ito limitado lamang ang pwedeng lumabas sa bawat tahanan, dito rin naranasan ng bawat opisyales ng barangay ang mag bantay sa lansangan na hindi iniinda ang puyat, pagod, at matinding init ng sikat ng araw. Umaga’t gabi silang naka bantay (checkpoint) sa bawat kanto. Sa kanilang pamumuno, sa abot ng makakaya ng barangay, namigay din ng ayuda sa bawat tahanan upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan, ganoon din ang lokal na pamahalaan—nagpaabot din ito ng tulong para sa mga barangay, na siyang ipinamahagi sa bawat mamamayan ng barangay.
Taong 2020, nakaranas naman ng matinding trahedya o sakuna ang barangay noong buwan ng disyembre, dumating ang super typhon Tisoy, dahil sa bagyong ito marami ang bahay na nasira nang tuluyan o naging totally damage at mayroon ding mga nagtamo n partially damage. Marami ding mga pananim, hayop o ari-arian ang napinsala. Sa mga panahong ito hindi rin ininda ng mga barangay opisyals ang puyat at mabasa sa ulan makatugon lamang sa kanilang mga residente. Dinala ang mga ito pansamantalang sa evacuation ng barangay—Barangay Health Center, Senior Citizen Building, Daycare Center at DA Office. Halos mapuno ang mga nasabing pasilidad ng barangay sapagakat ang barangay ay wala pang Standard Evacuation Center. Nakatanggap naman ng financial assistance mula DSWD ang lahat ng totally damage na mga tahanan at nakatanggap din sila mula sa National upang maipaayos ang kanilang mga tahanann at makapag simula ulit. Sa lakas din ng bagyong ito naputol ang daan sa sona 6 dahil sa taas ng tubig. Sa panahong ito, nakaranas din ng matinding pag baha ang barangay. Patuloy naman ang pag hanap ng paraan upang maipa ayos ang kalsada sa tulong ng mahal na Mayor Andres Dangeros—ito ay naibalik sa dati at naipayos ang kalsada.
Taong 2021, nakaranas na naming muli ng super typon Quinta ang barangay, may ilan-ilan lang na napinsalang totally damage at partially damage, mga nasirang pananim, mayroon ding mga namatay na hayop. Sa panimula ng mga pamilyang nawalan ng tahanan, nakatanggap sila ng financial assistance mula sa gobyerno.
Taong 2020-2021, naipakonkreto ang kalsada sa sona 5 at Sona 6 na mula sa national fund. Napakonkreto din ang kalsada sa sona 1 mula naman sa ahensiya ng DILG. Nagkaroon ng labinglimang (15) yunit ng street light na galing naman sa Probinsya. Sa taong ding ito, hindi tumitigil ang opisyales ng barangay upang lalo pang umunlad ang barangay sa tulong ng mahal na Mayor Andress Dangeros. Sa taong din ito, napa Rehab ang Senior Citizen Building.
Mula pa rin sa pamumuno ng Punong Barangay Bernardo C. San Diego, sampu ng kanyang mga kasamahan, napagkaisahan na ilapit ang serbisyo ng Health o kalusugan para sa mga katutubo mula sa GAD Fund. Taong 2022, naipagawa ang Balay Lakoy Phase 1 sa Sityo Pulong Katmon upang hindi na mahirapan at mapalayo ang mga katutubo para sa serbisyo ng Kalusugan. Ganon din ang Rehabilitation ng daycare center. Sa taong ito nag karoon din ng bayanihan upang maipaayos ang tatlong (3) silid-aralan ng Elementarya ng Paetan mula sa tulong ng barangay opisyal at sa bawat sambahayan ng mamayan ng Barangay Paetan sa pangunguna ni Ma’am Grecy P. Garlit, Prisipalya ng nasabing paaralan, sampu ng kanyang samahan ay nagtulong-tulong ang lahat upang makalikom ng salapi para sa pagpapayos nito. Sa taon ding ito, sa tulong ng Mahal na Mayor ay naipaayos din ang Senior Citizen Building.
Taong 2023 hanggang sa kasalukuyan, sa pamumuno pa rin ng Punong barangay Bernardo C. San diego sampu ng kanyang Samahan, naipagawa naman ang concreting of drainage canal mula sa tulong ng LGU. Naipagawa din ang dalawang (2) barell box culvert na matatagpuan naman sa sona 1. Ito ay mula sa dalawampung porsyento (20%) na pondo ng barangay. Sa kasalukuyan, Naipinapagawa naman ang concreting of access road ng Sona1-2—mula naman ito sa programa ng KALAHI CIDSS NCDDP AF, NAipinapagawa ang concreting of drainage canal sa sona 3, mula naman ito sa dalawampung porsyento (20%) na pondo ng barangay.
Mula parin sa pamumuno ng Punong Barangay Bernardo C. San diego sampu ng kanyang mga kasamahan sa kahusayan, kasipagan at dedekasyon sa trabaho naipasa ang SGLGB Assessment 2023 ng Barangay Secretary katuwang ang Barangay Treasurer at mga barangay Opisyals ng Barangay.Isa ang Barangay Paetan sa napangaralan mula sa Municipal, Provincial at National Level bilang isang Seal of Good Local Governance Barangay at isa pang natanggap na parangal ay ang BADAC High level Functionality. Sa patuloy nilang pamumuno napagkaloobang muli ang Barangay ng isang Proyekto mula naman sa KALAHI CIDSS NCDDP AF naipagpatuloy ang nasimulang Concreting of Access Road sa Sona 1 hanggang sa Sona 3 at sinundan naman ito ng proyektong Installation of 38 Units Solar Street Light mula sa MCDDP sa pamamahala ng butihing Mayor Walter B. Marquez. Nakapagpasa din ng isang resolusyon ang Sangguniang Barangay ng Rehabilitation of Covered Court sa tanggapan ng Butihing Mayor Walter B. Marquez at ito naman ay tinugunan ng mahal na Mayor kayat sa kanilang pamumuno na ipagawa ang Extension ng Covered Court mula sa pondo ng LGU. Sa patuloy parin nilang pamumuno muling naipasa ang SGLGB Assessment 2024 at muling naparangalan ang Barangay Paetan mula sa National Level ng Seal of Good Local Governance Barangay.
Taong 2025 hanggang sa kasalukuyan sa naipasang resolution ng Sangguninag Barangay na hilingin sa tanggapan ng Mahal na Congressman Leody “Odie” F. Tarriella na maipa konkreto ang Kalsada ng Sona-6 at ito naman ay kanyang natugunan at naipa konkreto na ang Kalsada ng Sona6. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagpapaunlad at hindi tumitigil ang mga opisyales ng barangay upang maisakatuparan pa rin ang mga proyekto na lubos na kailangan ng mga residente.
Termino | Titulo | Pangalan |
---|---|---|
1960–1968 | Teniente del Barrio | Mario Manson |
1968–1987 | Punong Barangay | Juan de Jesus |
1987–1988 | Punong Barangay | Domingo Castro |
1988–1994 | Punong Barangay | Rodolfo Pablo |
1994–1997 | Punong Barangay | Fernando de Jesus |
1997–2002 | Punong Barangay | Fernando de Jesus |
2002–2007 | Punong Barangay | Fernando de Jesus |
2007–2010 | Punong Barangay | Rodolfo Pablo |
2010–2013 | Punong Barangay | Rodolfo Jacinto Jr. |
2013–2023 | Punong Barangay | Bernardo C. San Diego |
1968-1987
1998-1994
2007-2010
1997-2002
2002-2007
2010-2013
2013-2023
No Code Website Builder