Barangays >Malisbong
![]() |
Brief History |
Ang Barangay Malisbong ay makikita sa pagitan ng dalawang barangay. Mula sa norte ng Barangay Gen. Emilio Aguinaldo at sa bahaging timog ng Barangay Tuban. Ito ay napapaligiran ng dalawang ilog, ang ilog ng Mompong at Pasagui. Ito’y nagsisilbi nilang patubig para sa agrikultura.
Ito din ay bahagi ng Hacienda ni Gen. Emilio Aguinaldo at ang tanging naninirahan dito ay tatlong katutubong Mangyan na mula sa tribung Tao–Buhid. Sila ay sina Maliksi, Malisol at Tembong. Hango sa pangalan ng tatlong katutubong ito ang sa ngayong tinatawag na “Malisbong” bilang pag-aalaala sa mga nasabing katutubo na unang nanirahan sa lugar.
Taong 1948, sa pangunguna ni G. Romualdo Samonte itinatag bilang Sitio ang Malisbong na sakop ng Barangay Sta. Lucia, na ang tanging naninirahan dito ay mga katutubo at pamilya ni G. Romualdo Samonte. Binungkal nito ang lupa at tinamnan ng mga punong kahoy, saging, palay at iba pang produkto at nang hindi naglaon ay lumago ang bilang ng populasyon nito at napabilang sa sa sitio ng Barangay Ligaya na ang naninirahan na dito ay ang limang pamilya ng Samonte, Blancaflor, Francisco, Castillo at Cadapan.
Nagkaroon ng reporma sa lupa noong 1955-1972 sa pamumuno ni G. Alfonso Samonte (Tinyente Del Barrio) siya ay nakapag bukas at nakakapag pagawa ng paaralan (Grade-1 at 2) na yari sa mga buho, kawayan at iba pa. Makapag Bukas din ito ng daan at nagkaroon din dito ng bilangguan ng Pasugui Sub-Prison sa pamumuno ni Superintendent Candido Bagawisan.
Noong 1972 itinalaga ni Mayor Godofredo B. Mintu bilang OIC si G. Leopoldo Gasmeña Jr. hanggang taong 1987 at di kalaunan ay kinilalang Tinyente Del Barrio, siya ay namahagi ng lupain sa mga residente nito.
Taong 1988 naging OIC si G. Ethelda Yasay hanggang taong 1989.
Nagkaroon ng Magic Seven at nahalal si Gng. Merlinda F. Rodriguez noong 1989 hanggang 1992 kasama ang kanyang mga kagawad na sila Gng. Ethelda Yasay, G. Alfonso Samonte Sr., Gng. Gloria Fernandez, G. Sofronio Samonte, G. Joel Sumugat at Gng. Janice Rabanal. Sa kanilang panunungkulan sila ay nagkaroon ng Barangay Hall na yari sa Light Materials, Konkretong Daan at Labing Apat na kabahayan at paaralan.
Taong 1992 Itinalaga bilang Barangay Captain si Gng.Ethelda Yasay hanggang taong 1994. Sa kanyang panunungkulan nakakapag pagawa siya ng kongkretong Paaralan at pagpapatayo ng konkretong Barangay Hall.
Taong 1997 nahalal bilang Barangay Captain si G.Teoderico Samonte hanggang taong 2002. Siya naman ay nakapagpa kongkreto ng daan mula Zone-2 hanggang Zone-3, nakapag patayo ng Health Center, Multi-Purpose Hall, Talipapa, Day Care Center at Dagdag na Paaralan ng Elementarya, Stage at Waiting Shed.Taong 2002 nahalal bilang Barangay Captain si Gng. Fredelita T. Teña sa kanyang panunungkulan binago nito ang Brgy Hall Stage Multi-Purpose dumagdag siya ng paaralan sa Elementarya. Taong 2006 nakakapag pagawa siya ng Shallow Tube well at naging Kauna unahang proyekto ng KALAHI CIDSS. Taong 2007 naman ay covered court, kongkretong bakod ng Barangay at Playground.
Taong 2010 hanggang 2013 nahalal bilang Barangay Captain si G. Joel I. Sumugat, nakapag patayo siya ng Waiting Shed, Paaralan ng Elementarya at nakapag kongkreto ng daan. Sa panunungkulan din nito pumasok ang ahensya ng Plan International.
Taong 2013 hanggang 2018 muling nahalal si Gng. Fredelita Teña bilang Barangay Captain, sa kanyang pamumuno nakapag patayo siya ng Street Lights mula Zone-1 hanggang Zone-5 at nag pagawa din siya ng 1 Day Care Center Zone-1.
Taong 2018 hanggang 2013 nang nahalal bilang Bagong Punong Barangay si G. Jimmy Q. Tan sa
kanyang panunungkulan ay nagkaroon ng maraming pagbabago ang barangay, siya nakapag paggawa at nakapag patayo ng ibat-ibang Proyekto mula sa pondo ng KALAHI CIDSS MCDDP/NCDDP AF at pondo mula sa Barangay Development Fund at iba pang Source of Fund.
Taong 2018 nakapag patayo ng 1 unit 2 classroom School Building ng Malisbong National High School mula sa KALAHI CIDSS MCDDP at 1 Solar Dryer Zone-4 mula sa 20% Barangay Development Fund.
Taong 2019 nakapag patayo muli ng 1 unit 2 classroom School Building ng Malisbong National High school pondo mula sa KALAHI CIDSS MCDDP at 1 Solar Dryer Zone-1 na pondo mula sa 20% Barangay Development Fund.
Taong 2020 nakakapag pagawa siya ng 1 unit 3 classroom School Building ng Malisbong National High School mula sa pondo ng sa KALAHI CIDSS NCDDP AF at 1 Solar Dryer, Concreting of Barangay Road Zone-5, Opening of Farm to Market Road at Rehabilitation of Street Lights na mula sa pondo ng 20% Barangay Development Fund.
Taong 2021 Concreting of Access Road Zone-1 na may haba ng 145 meters na pondo mula sa KALAHI CIDSS MCDDP at 1 Solar Dryer na mula sa pondo ng 20% Barangay Development Fund.
Taong 2022 Concreting of Existing Brgy. Road Zone-2 na may haba ng 165 meters at Concreting of Farm to Market Road Zone-2 and Zone-4 na may haba ng 175 meters mula sa pondo ng KALAHI CIDSS MCDDP at Concreting of Access Road Zone-4 na may haba ng 152 meters mula sa pondo ng KALAHI CIDSS NCDPP AF, at Concreting of Brgy. Road na may haba na 114 meter na mula sa pondo ng 20% Barangay Development Fund, nakapag patayo din siya ng Covered Court sa Malisbong National High School mula sa pondo ng Provincial Governor Office (PGO) paglalagay ng Box Culvert sa Zone-1, Zone-4, Zone-5 at RCPC, pagpapa kongkreto ng Bakod sa Brgy., pagpapagawa ng ARKO ng Malisbong National High School na mula sa pondo ng Other Development Fund (ODF), pagpapagawa ng Flood Control (gabion) sa Ilog Mompong Zone-5 at pagbawi ng lupang nasasakupan ng ligaya na ngayon at isa ng Paaralan.
Taong 2013 siya ay nakapag patayo ng (45) piraso/poste ng Solar Street Lights mula sa pondo ng 20% Barangay Development Fund at (35) piraso/poste ng Solar Street Lights mula sa pondo ng DSWD KALAHI CIDSS KKB BP2P at kasalukuyang Pagpapa Kongkretong Darundong Bridge.
Ang Barangay Malisbong ay binubuo ng (11) Barangay Council, (6) na Barangay Staff, (17) BHW, (1) BNS, (1) Midwife, (1) Sanidad, (1) Barangay Population Volunteer, (1) OHA na siyang kumukuha ng datus ng kalusugan ng mga bata, mga bilang ng sambahayan at mga populasyon, (11) tanod na nangangalaga ng kapayapaan at katahimikan ng barangay at (10) lupon na syang pangkat ng tagapagkasundo at tagapamagitan ng katarungang pambarangay.
May ilang micro finances din tulad ng CARD,ASA,KAUSWAGAN,ARDCI na syang tumutulong sa mga kabarangay na nagpapahiram ng puhunan para sa karagdagang pagkakakitaan, may taniman din ng gulayan, at may mga makinarya na ding ginagamit sa pagsasaka.
Sa kasalukuyan ay napakalaking pagbabago na ang makikita sa barangay ilang naggagandahang bahay, mga empleyado ng gobyerno na nagtatrabaho, mga dating estudyante na ngayon ay mga guro na syang nagtuturo sa mga mag-aaral ng Malisbong, sa patuloy na pagdami ng bilang ng populasyon sa barangay ay nakikita din ang mga kakulangan ng pangangailangan sa bawat bahayan.
1989-1992
1997-2002
2010-2013
2018-2023
Drag and Drop Website Builder