Barangays > Ibud
![]() |
Kasaysayan (History) ng Barangay |
Ang lugar na ito ay kabundukan, bago pa masakop ng mga banyaga ang bayan ng Mindoro. Bawat taong pumasok sa lugar na ito ay pumuputol ng malalaking puno o nanghuhuli ng mga hayop. Noong panahong 1930’s ang pamilyang Manuel, Federico, at Eduardo Poblete (magkakapatid) galing Lubang; Antonio Escarilla galing Mamburao, at Valeriano Villaluna galing ding Lubang ang unang nanirahan dito at naghanapbuhay sa pamamagitan ng “kaingin”. Sa pagpapatuloy ng kanilang pamumuhay, patuloy din ang pagputol nila ng puno na “buri” na marami sa lugar na iyon. Isang araw, nakita ng mga taga-Katuray (San Vicente) ang grupo ng mga Visayang kabataan na pumuputol ng buri at tinanong nila ang mga ito kung ano ang inaalis nila sa buri, sumagot naman ang mga kabataan ng “ubod” ibig sabihin ay “pith”. At simula nga noon natawag na ng mga kalapit na baryo itong “ubod’ na karamihan ay mga Ilocano at Igorot. Sa pagtagal ng panahon, ang kanilang ubod ay napalitan na ng “ibud” at mag-pahanggang ngayon ay ito na ang ginamit na katawagan.
Nang sumunod na dekada, taong 1960’s, marami pa rin ang mga lumipat sa mga bakanteng lugar sa bayan ng Sablayan, at sila ay mga nanggaling sa hilagang Luzon at sa Visayas. Ito ang tugon nila sa Dating Mayor na si Loreto Urieta na siyang nag-imbita na pumunta dito sa Sablayan, nagkaloob ng ilang mga lote, at bumili ng ilang pribadong lupain upang ito ay bungkalin at sakahin. Ang pamilyang Alejo Cologan, Gregorio Bangisan, Eusebio Bustillos, Santos Abela, Serafin Agustin, Apolonio Ongsingco, Cristoto Sotto, Eulogio Verdera, Simeon Bitingan, at Felimon Pasiken ang siyang mga pamilyang unang napagkalooban ng lupang sakahan sa barangay. Nang panahon ring yaon ang kanilang mga ibang kamag-anak at mga kaibigan na kung saan ay galing sa ibang lugar gaya ng Ilocos, La Union, Benguet, Pangasinan, Isabela at Nueva Ecija ay permanente nang nanirahan dito at ang lugar ay naging sitio ng Katuray (San Vicente sa kasalukuyan) Sablayan Occidental Mindoro.
Noong taong 1971 ang mga naninirahan dito sa pangunguna ni Julian Pagano na noo’y barangay kagawad, ay humiling sa lokal na pamahalaan ng Sablayan na ang Sitio ay gawing isang barangay. Ang kanilang kahilingan ay napagbigyan at naging isa nga itong ganap na barangay noong Abril 24, 1971 sa ilalim ng Presidential Decree at tinawag itong “ Barangay Ibud” na ang kauna unahang naging Kapitan Del Barrio ay si Simeon Pen-way Bitongan.
Bago ideklara ang Martial Law noong 1972, ang mga bata ay kailangan pang maglakad mula Ibud papuntang San Vicente para makapasok sa paaralan. Kaya ang mga magulang ay sumangguni sa mga opisyales ng Department of Education, Culture and Sports (DECS) para makapagtayo ng primary school dito sa barangay. Ang kanilang kahilingan ay natupad at nakapagpatayo ng gusali para sa grade 1 at 2 na tinawag na Marcos Type Building (Liwayway Elementary School) para sa mga mag-aaral. Pagkalipas ng ilang taon ito ay nadagdagan at nakumpleto na ang pang-elementaryang paaralan.
Ang paaralang elementarya na naipatayo sa pangunguna ni Kapitan Bitongan at ng kanyang mga opisyales, ay lumaki at naging Liwayway Elementary School na kung saan ang Liwayway ay nanggaling sa pangalan ni Liwayway Casio Clarin na siyang nagbigay ng isang ektaryang lupain para mapagtayuan ng nasabing Paaralan.
Pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga taong
naninirahan sa barangay kaya karamihan dito ay mga magsasaka, ang ilan ay may
sariling sinasaka at ang iba naman ay mga tenant at farm laborer. Palay at mais ang
pangunahing produktong itinatanin 2 beses sa isang taon.
Ang Barangay Ibud ay napapagitnaan ng dalawang ilog, ang Alipid River at ang isa sa pinakamalaking ilog ng Sablayan ang Biga River at malapit din sa dagat at siyang dahilan kung bakit ang barangay ay nakararanas ng pagbaha kapag sumapit ang matinding pag-ulan o bagyo lalo kung sumabay ang pagtaas ng tubig mula sa dagat at ang tubig na nanggagaling sa bundok.
Nito lamang buwan ng Hulyo at Agosto (2023) taong kasalukuyan, nagkaroon ng magkakasunod na bagyo na nagdulot ng pagbaha sa barangay, ang Sona 1, 3 at 4. Ang pagbaha ay umabot sa hanggang baywang sa Sona 1 at 4 at hanggang hita naman sa Sona 3 na tumagal ng humigit kumulang 12 oras. Maraming mga pamilya ang naapektuhan at maging mga pananim na palay at gulay ang nalubog at ilan sa mga ito at nasira. Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan sa naturang kalamidad ngunit nagdulot ng pinsala sa mga pananim.
Nagkaroon din ng mga motorcycle accident sa tulay ng Alipid (Zone 1) at Zone 2 Provicial Road na nagdulot ng minor injury sa mga na-aksidente.
Taong 2007 nang nagsimulang sumali/nakilahok sa (KALAHI CIDSS NCDDP) Kapit Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive Intergrated Delivery of Social Services National Community Driven Development Program ang Barangay at si G. Amado Verdera ang unang naging (BSPMC) Barangay Sub-Project Management Committee at ang kauna-unahang naging proyekto ay ang Construction of Irrigation Canal Zone 3 1st cycle. Taong 2009 2nd cycle NCDDP Construction of Solar Dryer Zone 4, sa lupa mga Danseco at ang naging BSPMC rito ay si Gng. Evangeline Bitongan. Taong 2011 at 2014 nanalo ang barangay sa KALAHI MCDDP at ang mga proyektong naipagawa ay ang Multi-purpose Pavement Zone 3 at Construction of Irrigation Canal Zone 2. Taong 2018 naman, nabigyan ng pondo ang barangay galing sa KALAHI CIDSS NCDDP -KKB na ang pondo ay galing sa Asian Development Bank, ang proyekto na ipinagawa ay ang “Expansion of Irrigation Canal” sa Zone 4. Taong 2019 hanggang sa kasalukuyan ay si Gng. Marife B. Sotto ang BSPMC at ang mga proyektong naipagawa sa panahon niya mula sa pondo ng KALAHI MCDDP ay ang: 1) Solar Street Lights (2019), 2) Opening of Farm to Market Road with Box Culvert So. Malapaga (2021), 3) Concreting of Barangay Road Zone 2 (2022) at 4) Concreting of Access Road Zone 3 (2023), ito ay galing sa pinagsama - samang pondo ng KALAHI CIDSS NCDDP-AF, LGU at Barangay counterpart.
Kauna-unahang Opisyales ng Barangay:
Punong Baranagy: Simeon P. Bitongan
Kagawad:
Gregorio Bangisan
Ramon Larios
Eulogio Verdera
Ambrocio Villaluna
Cristoto Sotto
Kalihim Eliazar Wandas
Ingat Yaman Felimon Pasiken
Tagasuri ` Julian Bagano
1972-1980
Si Hon. Simeon Pen-way Bitongan ang kauna-unahan naging Kapitan Del Barrio ng Barangay taong 1972-1980. Sa kanyang panunungkulan, naipatayo ang kauna-unahang school building ng Liwayway Elementary School na tinawag na “Marcos Type Building” na may 3 silid-aralan at noong taong 1973, sa kanya ring panunungkulan ay idinonate ng pamilyang Liwayway Casio Clarin ang lupang pinagtayuan ng Liwayway Elementary School.
"Marcos Type Building” Liwayway Elementary School Zone 2"
1980-1986
Siya naging pangalawang Punong Barangay ng Barangay Ibud. Sa kanyang panunungkulan, nadagdagan ng 2 silid-aralan ang Liwayway Elementary School at inumpisahan ang pagpapagawa ng Irrigation Canal sa Sona 1.
1986-1987
Si Jaime Dagwasi Ramos ay naging OIC at kauna-unahang nahalal bilang Punong Barangay ng Ibud. Sa kanyang panunungkulan napasemento ang Buquing Street sa Zone 2.
"Concreting of Brgy. Road Buquing Street Zone 2"
1987-1994
Ang pang-apat na naging Punong Barangay. Sa ilallim ng kanyang panunungkulan, naipagawa ang Alipid Brass Damming, NIA latteral B Irrigation Canal at Malapaga Concrete Dam. Naitayo din ang lumang Barangay Hall at Day Care Center sa Ibud Proper.
"Malapaga Concrete Dam Zone 4" "Alipid Brass Damming Zone 1"
1994-1997
Ang Panglimang Punong Barangay Ng Ibud. Sa kanyang panunungkulan, nagkaroon ng Expansion ang School ng Liwayway at napaganda ang Barangay Hall sa Zone 2, sa loob ng Barangay Plaza. Sa kanya ding panunungkulan at idinonate ni G. Valeriano Villaluna ang lupang pinatayuan ng Plaza, Barangay Hall, Health Center at Day Care Center.
"Old Barangay Hall Zone 2" "Expansion of Liwayway School Zone 2"
2010-2013
Sa kanya namang panunungkulan, napasemento ang kalsada ng Baoan Street, naipagawa ang Irrigation Canal Zone 2, naitayo ang Computer Room ng Liwayway Elementary School, Senior Citizen Building at Bagong Barangay Hall Zone 2 (Barangay Hall sa kasalukuyan). Nabili din ang lupang pinagtayuan ng bagong Barangay kay Gng. Vilma Jacinto (dating Barangay Kagawad) at unti-unting umuunlad ang barangay sa ilalim ng kanyang pamamahala.
1997-2010
2013-2023
Si Kgg. Virgilio Lacpapan Baoan Sr ang pinakamatagal na nanunungkulan bilang Punong Barangay ng Ibud, Sablayan Occidental Mindoro mula 1997-2010 unang naluklok at mula 2013-2023. Sa ilalim ng kanyang unang panunungkulan/pamamahala unti -unting umunlad ang barangay sa mga proyektong kanyang naipagawa at mga naayos gaya ng pagpapagawa ng Poblete Bridge Zone 3, Cologan solar Drier Zone 2, Malapaga Concrete Dam, Concreting ng Provincial Road, Covered Court Ng Liwayway Elem. School, Expansion of School Building ng Liwayway Elem. School. Sa taon ding ito, naitayo ang Barangay Health Center, Child Development Center (Day Care Center) sa Proper Ibud at Dike Ibud, pagpapagawa ng Danggoy Solar Dryer Zone 2, Nicanor Solar Dryer Zone 4, Danseco Solar Dryer Zone 4 at NIA Sub Canal Zone 4.
Taong 2013-2023, muling siyang nahalal at nanungkulan bilang Punong Barangay at lalong naging maganda at maunlad ang Barangay Ibud dahil sa kanyang mga proyekto at programang naipagawa gaya ng: Pagpapatayo ng mga Solar Street Lights sa apat na Sona ng Barangay, Pagpapasemento ng Villaluna Street Zone 3, pagpapagawa ng Aris Buquing Solar Dryer Zone 3, Baoan Solar Dryer Zone 4, Opening ng Farm to Market Road, Cajayo Street Zone 4, Expansion of Irrigation Canal Zone 4, Concreting of Tamagin Street Zone 2, improvement Of Drainage Canal Zone 3, pagpapatayo ng bagong Stage ng plaza, pagpapagawa ng Genderized toilet sa loob ng Covered Court, pagpapagawa ng garahe sa barangay hall, repair ng barangay Hall, pagpapatayo ng Evacuation Center, rehabilitation ng barangay road, at pagbili ng tricycle ng barangay galing sa pondo ng Barangay Disaster. Nabigyan din ng Patrol Service galing sa Munisipyo sa pamumuno ni Mayor Andres Dangeros.
Sa Taong 2022 sa ilalim pa rin ng kanyang panunungkulan, nagkamit ng karangalan at ginawaran na “SGLGB National Passer” ang barangay at binigyan ng 2 Milyong pondo ang barangay bilang gantimpala sa pagiging “Seal of Good Local Governance for Barangay” na galing sa Provicial Capitol sa pamumuno ng mahal na Gov. Eduardo Gadiano. Ang premyong ito ay ipinambili ng Multi-purpose Vehicle ng barangay. Pinagkalooban din ng isang milyong piso galing kay Mayor Walter “Bong” Marquez ang barangay dahil sa pagkakapanalo sa SGLGB. Ginawaran din ang barangay bilang 3rd Placer Best Model Barangay ng MENRO office sa pamumuno ni G. Robert Duquil- MENRO Head sa ilalim ng Solid Waste Management Program.
No Code Website Builder