Barangays > Burgos

Logo Brief History

Ayon sa mga kuwento ng mga matatanda, ang Sablayan daw ang isa sa mga pinakasinaunang bayan sa Kanlurang Mindoro. Binubuo ito ng maraming barangay at isa na rito ang Barangay Burgos. Ang mga unang tumira sa Barangay ay mga Batangan o Tau-Buhid na tinawag ang lugar bilang Buswangan mula sa kanilang salitang katutubo at kanilang tinitirhang lugar. Noong panahon na iyon ay sa tabing ilog nakatira ang mga Tau-buhid at bahagi din ng kanilang ikinabubuhay ay ang pagkakaingin at pagtatanim ng palay, mais, kamote, paghuhuli ng isda gamit ang tain, ganundin ang pagtitinda ng mga produktong kanilang inaani at iba pa.
May mga pagkakataon na ang mga Tau-Buhid ay binibisita ng mga misyonero na nakatalaga sa Iriron at Sablayan. Noong panahong iyon, ang kanilang lider ay sina Victor Baklawman at Gorio Yakana ang tinatawag na matatandang katutubo o lider na siyag kanilang sinusunod o nirerespito sakanilang pamunuan.
Nang lumaon, lumaki ang kanilang populasyon at naging sitio na ng Barrio Ligaya ang Buswangan. Kalaunan, naging Barangay Burgos na ang Sitio Buswangan at nasundan ng maraming mamamayan maging mga Tagalog, Ilokano, Visaya at iba pa.
Nagsimula sa taong 1931 Dumating sa lugar ang grupo ng mga bisaya sa pangunguna ni G. Herbacio Damaray. Nilinis nila ang bahagi ng kagubatan at dun sila nanirahan at nagsimulang magtanim ng palay, mais, at mga lamang ugat. Noong nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sila ay nagtago sa mga bulubunduking bahagi ng Buswangan kung saan malayo sa mga sundalong hapones na pumapatay sa mga guerillas. Limang taon makalipas ang digmaan, dumating naman ang grupo ng mga Ilokano. Sila ang mga pamilya ng Adsuara, Obtinalla, Castil, Nagal, Bergonia, Peralta, at Fabrigas. Nagtayo sila ng kani-kanilang mga bahay at doon na nanirahan at kanilang pinagyaman ang mga sakahan na iniwan ng mga Tau-Buhid na lumipat na sa bulubunduking bahagi ng barangay. Samantala, ang mga Tau-Buhid na lumipat sa kabundukan ay naninirahan pa rin sa tabi ng ilog kung kaya’t nanatili ang tawag na Buswangan sa lugar.
Nong taong 1954 Ang mga Bisaya at mga Ilokano na nakatira sa barangay ay nagdesisyong baguhin ang pangalan ng lugar sa BURGOS bilang pagkilala sa isa sa mga martir na pari na Piñata ng mga Kastila noong panahon ng mga Espanyol. Ang mga tao nagkaroon ng pagkakaisa at sama-samang nagsumikap, hiniling nila sa Konseho ng Sablayan na ito ay maging bahagi ng Sablayan at tawaging Barangay Burgos. At naerehistro bilang isang barangay burgos sa taong 1955 ang aplaya ang kauna unahang sitio ng barangay burgos.
Noong taong 1956 Kinilala ang Barangay Burgos bilang isa sa mga barangay ng Sablayan na may kabuuang lupain na 19,300 sq km. Ito ay may layong 32.10 kms mula sa munisipyo ng Sablayan. Pagkatapos na ito ay marehistro bilang isang barangay, hiniling nila na ang lupain na nireserba ni Pangulong Ramon Magsaysay para sa grupong nanirahan sa mga malalyong lupain ay maipamahagi sa kanila. Saa panahon na iyon ay pinamunuan ng isang Tenyente del barrio, ang buong barangay. Ang unang teniente del barrio ay si andres Adsuara na sinundan ni Gregorio Pascua at Macario Bergonia. Ang titulong ito ay pinalitan ng Barangay Captain pagkatapos ng isang taon. Ang unang Kapitan na itinalaga ng mga tao ay siJuancho Dangeros na sinundan ni Conrado,Jubilado,Eusebio,Lampa, Tomoy Nilo, Benjamin Morena, Francisco Obtinalla, Aurora G. Castil at Plaridel R. Daprosa. Dahil sa sipag, kooperasyon at pagkakaisaa ng mga tao, ninais at plinano nilang magkaroon ng irigasyon para sa kanilang mga bukirin. Dahil dito sila ay kinilala bilang pilot barangay na masipag farming. Ang bible basic seminar (BBS) naman ay nagpatuloy at dahil sa pagpupursigi ng Parish priest Father Phillip Alcantara ito ay sinimulan noong 1998 barangay.

Taon ng 1958 unti unting tumira o lumipat sa mga kabundukan ang mga katutubo dahil sa kanilang takot sa mga tagalog na nakatira sa kapatagan. Nagsimula din na magkaroon ang mga tagalog ng taniman. At ito ang kanilang naging pangunahing hanap buhay sa kanilang lugar. Ang pagtatanim ng palay, mais at ang pagkakaingin. At nagsimulang masira ang kabundukan at nasira ang naglalakihang mga punong kahoy. Nagkaroon ng matinding taggutom dahil sa sinira ng mga salot na daga (barawis) ang mga pananim na palay. Nagkaroon ng PTA building sa aplaya mula sa mga magulang ng mga mag aaral.

Taong 1960 nagkaroon ng Marcos building para sa mga mag aaral,nagkaroon din ng transportasyon papuntang san jose sablayan ng bangkang de motor. Taong 1965 nagkaroon ng tidal wave na halos masira ang kabahayan sa tabing dagat na ang tinyente del baryo ay si Conrado Jubilado. Taong 1966, naging tenyinte si Eusebio Lampa. At ang mga tagalog ay unti-unting lumipat sa tabing bundok kong saan naroon ang kanilang mga lupang kinukultiba. Taong 1972 nagkaroon ng martial law na kong saan ang lahat ng mamayan ay inipon ipon para ipaunawa ang batas military at dinisarmahan ang mga mamamayan. Noong taong 1974 sa panahon ni Timoteo Nilo,siya ang Kapitan ng Barangay at sya ang Kapitan na hindi nagtagal dahil siya ay pinaslang ng mga taong hindi kilala. Panahong 1980 nagkaroon ng silid paaralan sa sitio adlingin ,at nong panahon din yong may isang nasadsad na barko sa aplya mv visomi. At meron ding nagdonate ng lupa at ang mga ito ay sina Morena family at Castil family. Dito din nagsimula na dumami ang kabahayan sa daming kalsada at karamihan na mga bahayan ay gawa sa semento, nagkaroon nadin ng mga tulay ang mga tawid ilog, nagkaroon nadin ng mga culvert at box culvert sa pamamagitan ng kontraktor na si Hi Tri at Umali. Taong 1981bumalik ang pamumuno ng barangay na si Kapitan Eusebio Lampa at hindi rin siya nagtagal sa kadahilanang siya ay pinasalang din ng mga di kilalang tao. At nag appoint ng bagong Kapitan ang barangay burgos at ang inappoint ay si G. Francisco Obtinalla at sya ay pinagkaloob sa loob ng tatlong taon. (3)

Taong 1986 nagkaroon ng eleksyon na kong saan ang nanalo bilang Kapitan ng barangay ay si Aurora Castil, siya ay nanungkulan sa loob ng maraming taon. Nagkaroon ng barangay hall, heath center,at karagdagang school building, plaza at barangay site. Nagkaroon din ng mga pagbubukas ng mga kalsada papuntang katutubo at mga bagong bukas na kalsada sa loob ng barangay. Taong 1995 simulang pinamunuan ni Francisco Obtinalla ang barangay burgos at sinundan ng kanyang mga kagawad na sina, Plaridel Daprosa, Benjamin Morena, Rodolfo Canillo, Pedro Bergonia, at Jose Bergonia. Taong 1996 napalitan ang Kapitan at pumalit ay si G.Plaridel Daproza. Nagkaroon ng mga hanging bridge sa pusog river,nagsimula na rin umunlad ang kabuhayan ng mga mamamayaan sa lugar ng barangay burgos. Unti unti naring nagkakaroo ng mga sasakyan tulad ng jeep na nabyaheng papuntang sablayan at san jose. Nagkaroon ng mga makinaryang pangsakahan katulad ng mga handtractor at tresher.

Noong taong 2007 nagsama-samang pagpupunyagi ng konseho Barangay Burgos, sa pangunguna ng Punong Barangay KGG.PLARIDEL DAPROSA. At nagkaroon ng paln international, maraming programa ang kanilang ibinahagi tulad ng pagbibigay ng suporta ng mga bata,katulad ng mga school supply at pangkabuhayan. Nabuksan ang paaralan ng barangay burgos na kong saan hindi dumarayo ang ibang kabataan sa ibang Paaralan ng barangay, nakakatipid din ng pamasahe at naging komportable at nasubaybayan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Taong 2008 pumasok ang plan international sa barangay burgos,nagkaroon ng ibat ibang klase ng programa katulad ng mga, livelihood sa mga katutubo,panghayupan (kalabaw,kambing) at mga kagamitang pansakahan. Nagkaroon ng health center at school building. Nagkaroon din ibat ibang klase ng micro finance katulad ng mga ardci,asa ardci. Nagkaroon nadin ng pagkukunan ng tubig inumin(burwasa) para sa buong barangay.

Taong 2010 nagkaroon ng 2 rooms ang high school building at yon ay binigay o sponsored ng plan,nagkaroon ng bagong barangay hall at covered court, bagsakan center at bagong health center,nagkaroon din ng mga solar dryer,, concreting ng brgy road sa sitio aplaya, pusog, nagkaroon ng box culvert ang mga pangunahing kalsada sa zone 1A,2 at zone 4.
Nagkaroon din ng maayos na daan ang Sitio hulo o concreting Barangay Road ang barangay burgos. Napakabilis na ng mga transaksiyon ng mga produkto, maging ang mga Kabataang nag aaral sa paaralan ganundin ang pagdala ng mga pasyente sa mga hospital.
Taong 2012 nagkaroon ng building school ang elementarya,nasemento ang mga daan sa zone 4, taong 2013 nagkaroon ng water system ang barangay sa tulong din ng plan International na ngayon ay nagbibigay ng tubig na malaki ang kapakinabangan sa lahat ng mamamayan sa barangay burgos.2014 nagkaroon ng pag susurvey sa lupa sa pagitan ng katutubo at tagalog,nagbigay din ng mga baka sa tagalopg galing sa PCA. Nagkaraoon ng daan papuntang aplya dangeros at bergonia taong 2016. Taong 2015
Nagkaroon ng maayos na daan o nalagyan ng concreting road ang sitio aplaya na kung saan katulungan sa mga mamamayan ng Zone 1A at nabigyan ng maayos na gusali para sa covered court sa barangay, at nagkaroon din ng concreting barangay road ang aplaya. Nagkaroon ng school building ng high school galing sa plan international, nagkaroon ng additional make shift building sa sitio aplaya galing kay mayor Eduardo Gadiano. Nagkaroon din ng barangay unit ng tagmaraan ng taon 2018. Nagkaroon din ng mga bagong halal na mamumuno sa barangay ng burgos. At ang bagong Kapitan ay si KGG. SILENY R. EPTITO SR.sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay napalitan ng tulay na bakal ang dating hanging bridge na gawa sa kahoy na nag uugnay mula sa zone 3 hanggang zone 4. Nakapag patayo din ng evacuation center, nadagdagan ang mga school building sa aplaya, nagkaroon ng service ang barangay, nabuksan din ang daan simula farm to market road to malatungtong.
Taong 2022 nakapag pagawa o nagkaroon ng c.r ang malatungtong falls, nagkaroon ng solar lights sa ibat ibang sona at paaralan, nagkaroon ng mga machineries para sap ag gawa ng virgin coconut oil galing sa PCA, nagkaroon ng dagdag puhunan ang kooperatiba ng BUCOFACO na galing sa CDA at PGO. At huling taon ng 2023 nagkaroon ng 26 na ulo ng baka ang mga katutubo, nagkaroon ng concreting ng farm to market road ang zpone 4 galing sa D.A national. 

Barangay Officials

barangayofficial
Punong Barangay
Sileny R. Epetito Sr.
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Antonio B. Bergonia Sr.
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Benjie P. Acosta
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Haulene Dave T. Castil
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Josephine P. Cadiz
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Nelly S. Castil
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Plaridel R. Daprosa Sr.
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Rolly B. Morena
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Siknaet S. Mayundang
barangayofficial
SK Chairperson
Jereco G.Castil
barangayofficial
Barangay Secretary
Jessica S. Facelo
barangayofficial
Barangay Treasurer
Carel A. Lumalang

Tourist Spots

Mobirise Website Builder
Footer Logo
Contact Us

Phone
Mobile
Email
Fax

About
  • Sablayan LGU official website is developed primarily to serve as a centralized platform for the public to access important information, such as public services, policies, announcements, and contact details for government officials.

AI Website Software