![]() |
Brief History |
Ang Batong Buhay ay nagmula sa salitang “BUHAY NA BATO” sapagkat napakadaming buhay na bato ang makikita sa ilog ng Mompong.Mayroon ding isang napakalaking bato ang nagsilbing proteksyon ng barangay sa pag-agos ng tubig ng ilog patungo sa barangay at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy itong lumalaki at naging pagkakakilanlan na ng barangay.
Sampung taon makalipas ang World War II may mga pamilyang lumipat sabarangay na mga Bisaya, Ilocano at tagalog samantalang ang mga katutubo naman ay umalis sa kapatagan at lumipat na sa kabundokan.Tinawag nila ang lugar na Arellano dahil siya ang nagmamay-ari ng lupain. Noong September 26, 1954, naglagay si Pres. Ramon Magsaysay ng Sablayan Penal Colony and Farm o SPCF sa barangay. Nagkaroon ng 68 na bilanggo kasama ang mga empleyado na pinamumunuan ni Spt. Candido Bangisan. Sa census na ginawa noong 1960 ang mga bilanggo ay isinama sa populasyon ng Arellano. Nagpatuloy ito hanggang sa mabuo ang Sitio Malisbong. Dahil ang Malisbong ay malapit sa SPCF, ang ibang bilanggo ay napasama sa populasyon ng Malisbong. Noong 1960, naging ganap na barangay na ang Arellano at pinalitan nila ng Batongbuhay ang pangalan dahil nga sa pagkakaroon ng malalaking bato sa Mompong River. Nang taon ding ito, nagkaroon din ng elementary sa barangay. Naging sitio din ng barangay ang Tuban, isa sa pinakamatandang isla sa Mindoro. Dito nakikipagpalitan ng mga produkto ang mga mangangalakal na Muslim bago dumating ang mga kastila.
Sapanahon ng Martial Law, sa ilalim ng CARP, binili ng gobyerno ang hacienda Arellano at ipinamigay sa mga tao. Madalas pumunta dito ang mga grupo ng mga rebelde pero nanatiling tahimik ang lugar. Taong1972, unang nahalal na Punong barangay si Ginang Maria Conde kung saan nagkaroon sila ng irrigation system, tulay, pagbubukas ng barangay road, pagkakaroon ng dagdag na paaralan sa SitioTuban, at Barangay Hall.
Dahil sa pagputok ang bulkang Pinatubo noong 1991, ang Sitio Yapang ay naging bagong tirahan ng mga nasalanta ng pagputok ng bulkan.Nagkaroon ng pag-unlad sa Sitio Yapang, pag papagawa ng paaralan, at iba pang mga imprastraktura gayun din naman nagkaroon ng National High School sa Tuban.
Noong 1985, naging OIC Barangay Captain si Henry Domucmat at nagkaroon ng FMR ang Sitio Yapang.Sa panahong ito nagkaroon ng malakas na pagbagyo na siya namang nagdulot ng matinding kahirapan sa barangay dahil sa pagkamatay ng mga alagang hayop at pagkasira ng mga pananim.
Nahalal si G. Richard Mitra noong 1997 bilang barangay Captain at nagkaroon ng mga box colvert ang Sitio Palbong at Sitio Yapang.
Simula naman noong 2002-2013, si G. Alex Conde ang Barangay Captain at nagkaroon ng mga solar dryer, dagdag na classrooms sa elementary school, pagkakaroon ng FMR, at high school sa sentro ng barangay at Level II water system. Taong 2013 ng umupo bilang kapitan ng barangay si Alberto Blancaflor Cadapan, nagkaroon ng covered court sa proper, nadagdagan ang mga FMR sa mga sitio, sa kanyang termino din naumpisahan ang pagkokungkreto ng mga kalsada sa proper maging ang pagsisimula ng tulay sa Mompong na kumukonekta sa Brgy. Proper Patungong SPPF. Ganundin, ang concreting of brgy road (zone 2 AT Banisol), solar dryer, 2 classroom building sa BLMNHS na mula sa KALAHI. Sa kanyang termino din naipagkaloob ang Day Care Center sa Siito Culasisi, Multi Pupose Hall sa BRgy Proper, Floating Cottage sa Sitio Marabong. Taong 2018 ng muling umupo bilang kapitan si Alex T. Conde, nadagdagan ang mga solar dryer maging ang mga FMR sa mga sitio. At ilan lamang ang mga sumusunod ang mga naipagawang proyekto mula sa pondo ng barangay, munisipyo, probinsya at maging mga pang national na ahensya:
CULASISI
Concreting of Road (200 m) (ELCAC Project) 2022
Construction of 1 unit Solar Dryer 20% BDF
Installation of Culvert- 20 % bdf
Public Toilet- 2021 GAD FUND
Opening of Road- 2022
PALBONG
Construction of 1 unit Solar Dryer- 20% BDF-2022
Concreting of Road (200 m) (ELCAC Project) 2022
installation of Water System (from LGU)- 2023
Construction of 1 unit Solar Dryer- 20% bdf 2021
Day Care Center Building- REHAB. 2021
installation of Street Lights- 20% BDF
Construction of 1 unit Stage- FA FROM LGU
YAPANG
construction of Open Court from PGO-2018
Construction of 1 unit Solar Dryer-20% BDF 2021
Senior Citizens Building-
Brgy Hall-Extension Office-REHAB-2020
Rehabilitation of Old Health Center (Quarantine Facility)-2020
Day Care Center-REHAB
Construction of 1 unit Solar Dryer-20% BDF 2022
Opening of Road-20% BDF 2022-
installation of Street Lights-20% BDF 2023
Water System/Solar/ LGU & Brgy Fund- 2023
Water Tank Donated by MGCI-2022
MRF-2022
Public Toilet-GAD FUND 2021
MARABONG
Construction of 1 unit Solar Dryer-20% BDF
Day Care Center-2019/ BCPC FUND
Gabions from DPWH-2020
installation of Culvert
BRGY PROPER
construction of Open Court from PGO-2018
Construction of 6 unit Solar Dryer-20% BDF 2018-2022
Health Center- REHAB 20% BDF 2019
Day Care Center-REHAB/ 2021-2022- 20% bdf/BCPC FUND
Senior Citizens Building/ REHAB- 2021
Fence of Senior Citizen (Financial Assistance)
construction of Brgy Hall from PGO-2019/2021
Installation of Street lights- 20% BDF- 2019-2022
iNStallation of Water System- 20 % BDF 2022
construction of MRF
concrete fence from Sangguniang Bayan
Old Barangay Hall converted to ALS Building
installation of Culvert
Constructiono f Open Court/ AES/ Financial Assistance
construction of Reading Center at AES- gad fund 2018
Open Court of BLMNHS
Male/ Female Cr (BLMNHS)- GAD FUND
Male/ Female Cr (Health Center
School Gate
Concreting of Road (Zone 2) KALAHI
Concreting of Road (Banisol) KALAHI
Opening of Road at So. Cangguing
Larawan ng Kapaligiran
Ang Barangay ng Batongbuhay ay may layong 24 kilometro mula sa Kabihasnan at mayroong 42, 78075 ektaryang lupain ang kabuoang sukat o 28,839.33 square kilometers.
Kategori | Kabuoang Lawak | Porsyento (%) |
---|---|---|
Kabundukan/kagubatan | 27,100 | 93.9689 |
Imprastruktura | 0.75 | 0.002601 |
Commercial | 4.60 | 0.01595 |
Residential | 136.53 | 0.473416 |
Institutional | 10.78 | 0.03738 |
Agrikultural | 421.65 | 1.462066 |
River/creek | 1,154.83 | 4.004358 |
Parke/Palaruan at iba pa | 10.19 | 0.035334 |
Kabuoan | 28,839.33 | 100 |
1955
1970
1973
1983-1985
Nagkaroon ng unang kalsada papuntang Yapang;
Nagkaroon ng FMR
1986
1990-1992
1997
Nagkaroon ng Box Culvert sa Palbong at Yapang
2002-2013
Nagconstruct ng 3 units of Solar Dryer;
1 unit, 2 rooms ng Elementary sa Palbong; high school sa sentro; 1 unit 2 rooms sa high school (KALAHI); 3 units ng solar dryer; level II water system ng Yapang
2014-2018
Nagawa ang Covered Court, Nadagdagan ang solar dryer sa proper maging sa mga sitio, nasemento ang kalsada sa proper, nagkaroon ng mababang paaralan sa Marabong, nasimulan ang tulay sa Mompong na kumukonekta sa SPPF
2018-Present
Nadagdagan ang mga solar dryer, nagpatuloy ang construction ng tulay, pagsasaayos ng irrigation system, pagpapagawa ng mga protection dike sa mga sitio.
AI Website Software