Barangays > Victoria

Logo Brief History

A. HISTORICAL TIMELINE

Kasaysayan ng Barangay

B. KASAYSAYAN NG BARANGAY

Sa panahon ng mga Amerikano, ang lugar na ito ang pinanggagalingan ng mga kawayan at tabla na ginagamit ng mga tao sa paggawa ng kanilang bahayan. Ito rin ang tirahan ng maiilap na hayop. Tatlong taon bago sumiklab ang World War II, ilan sa pamilya ng mga magsasaka galing sa Panay, ang tumira dito, tinatawag nila ang lugar na ito na Barobo, dahil sa malapit lang sila sa ilog, gumagamit sila ng bangka papuntang sentro ng Sablayan. Dumami ang mga nanirahan dito at naging sitio ito ng Pandan na ngayon ay Barangay Claudio Salgado.
Noong 1955, sa pamumuno ni dating Hon. Loreto Urieta, Mayor ng Sablayan, ay ginawa niyang baryo ang Barobo. Nagpatayo siya ng paaralan at habang pinapatayo ang paaralan, nanganak ng isang babae ang asawa ng Mayor, at pinangalanan itong Victoria. Ang lider ng Barobo ay nagpasya na iparehistro ang pangalan ng kanilang baryo bilang Victoria bilang pasasalamat sa kabutihan ng dating Mayor Urieta. Ang pamilya ng mga Dangeros, Bermudo, Urieta, at Catalino ang mga unang pamilyang nanirahan dito. Nami at yuro na mula sa puno ng buli ang kinakain ng mga tao dahil sa kakulangan ng pagkain.
Pinaninirahan pa ito noon ng mga baboy-damo, usa at mga unggoy dahil ito ay isa pa lamang kagubatanang lugar na ito. Si Ms. Elena Maycong ang unang guro na nagturo sa lugar. Di naglaon, dumami na ang mga nag-aaral kaya naging kumpletong pang-elementarya na ang paaralan.
Noong 1966 sa pamumuno ni Mrs. Mila P. Villena, mga magulang at guro, sila ay humiling sa Department of Education na magtayo ng paaralang sekondarya sa baryo ng Victoria. Sa ilalim ng pamumuno ni Teniente del Baryo Mariano Valdez, nagkaroon ng kauna-unahang paaralang sekondarya sa lugar. Naipagawa din ang barangay road mula Barangay Victoria hanggang punduhan road. Ang mga unang naging guro sa sekondarya ay sina Ginang Presida Dacara, Ginoong Paz Dela Cruz, at si Ginang Bundang.
Ang Barangay Victoria ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Sablayan at napapaloob sa CLIPVIC Area o kasama sa limang barangay ng Agrarian Reform Communities (ARC) ng DAR na ang CLIPVIC ay mga Barangay ng Claudio Salgado, Lagnas, Ilvita, Pag-asa, San-Agustin at Victoria. Ito din ay napapagitnaan ng dalawang malalaking ilog, ang Ilog Amnay sa hilagang bahagi ng Ilog Patrick naman sa dakong timog at mararating ito sa pamamagitan ng mga sasakyang panglupa.
Agrikultura o pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga tao, ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay ng isa (1) hanggang tatlong (3) beses sa isang taon sa mga lupang may irigasyon na nanggagaling sa ilog Patrick at Ilog Amnay, mais naman ang itinatanim sa mga lupang kataasan na walang irigasyon at isa (1) hanggang tatlong beses din nagtatamin sa loob ng isang taon. Ang mga walang lupang manggagawang bukid naman ay nakikiupa ng arawan ng 250.00 hanggang 300. 00 kada araw.
Taong 2020 ng manalanta ang Bagyong Tisoy sa Barangay Victoria. Sa mga panahong ito marami sa mga magsasaka ang napinsala ang mga pananim at halos ang mga kabahayan sa barangay ay nasira dulot ng matinding hagupit ng bagyo. Wala naman naiulat na nasawi o nasaktan sa naturang kalamidad ngunit nagdulot ng pinsala sa mga pananim maging sa komunidad dahil sa naging pinsala nito.
March 15, 2020 ng magdeklara ang pangulong Duterte na ang buong bansa ay sasailalim sa pangkalahatang pag-lockdown. na kung saan marami sa mga residente ang naapektuhan nito, mga laborer, mga namamasada, naglalako, at maging mga mag-aaral ay nahinto sa pagpasok sa eskwelahan na ito ay naging modular na pag-aaral. Nagkaroon ng mga health protocol/ mga patakarang gaya ng isang miyembro lamang sa isang bahay ang pinahihintulutang lumabas upang bumili ng kanilang mga pangangailangan. Nagkaroon ng mga check point sa iba’t- ibang bahagi ng barangay upang masiguro ang seguridad ng lahat ng residente.
Taong 2007 ng magsimulang lumahok ang Barangay sa KALAHI CIDSS KKB at ang kaunaunahang proyekto ay ang Construction of Day Care Center sa Victoria Proper (1st Cycle). Taong 2008 sa 2nd cycle ng KALAHI CIDSS KKB ang naging proyekto ay ang Construction of High School Building at taong 2009 nanalong muli ang barangay para sa 3rd cycle at ang naging proyekto ay ang Construction of 4 units Solar Dryer. Taong 2014 nanalong muli ang barangay sa KALAHI CIDSS NCDDP Cycle 1 at ang proyektong naipagawa ay ang Concreting of Existing Barangay Road Zone 4 at taong 2015 nagkaroon muli ng proyekto sa KALAHI CIDSS MCC, ang proyektong naipagawa ay ang Concreting of Existing Barangay Road at ang lokasyon nito ay sa Zone 4. Taong 2017 sa pangunguna ng BSPMC Gng. Chritian D. Pedrozo nagkaroon muli ng proyekto sa ilalim ng KALAHI CIDSS Tier 2 at ang proyektong naipagawa ay ang Concreting of Existing Barangay Road Zone 1.
Taong 2019 sa ilalim pa din ng KALAHI CIDSS NCDDP Cycle 2 ang proyektong naisagawa ay ang Concreting of Road mula Zone 5 hanggang Zone 7 at sa taong din ito nagkaroon ng proyektong Installation of Solar Streetlights at Concreting of Road (Zone 2) at ito mula naman sa KALAHI MCDDP. Taong 2023 mula sa pinagsama-samang pondo ng KALAHI CIDSS
NCDDP-AF, LGU at Barangay Counterpart nagkaroon muli ng proyekto sa barangay na Concreting of Access Road (Zone 5) at ito ay magkakaroon ng Phase 2 at ang napagkaisahan ng mga Community Volunteers na isulong para dito ay Concreting of Access Road (Zone 2) sapagkat hindi pa din sapat ang konretong kalsada sa barangay at ang implementasyon nito ay sa taong 2024.   

History of Barangay Leadership (1976 - Present)

Barangay Officials

barangayofficial
Punong Barangay
Marvin P. Tadeo
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Sammy S. Timson
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
VICTORIA D. BANGSOY
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
ROSITA M. GOROSPE
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
ROSALIA JULIET C. CRISOSTOMO
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
RICHARD C. SALAMANCA
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
GRYAN I. ALFARO
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
ELIZER C. GADIA
barangayofficial
SK Chairperson
BRAYAN JAMES D. PASCASIO
barangayofficial
Barangay Secretary
AVIGAYL C. MEJIA
barangayofficial
Barangay Treasurer
MARIA CRISTINA L. SERQUINA

Tourist Spots

Mobirise Website Builder
Footer Logo
Contact Us

Phone: 043 458 0295
Mobile: (to be updated)
Email: mayorbongmarquez@gmail.com

About
  • Sablayan LGU official website is developed primarily to serve as a centralized platform for the public to access important information, such as public services, policies, announcements, and contact details for government officials.

AI Website Creator