Barangays > Poblacion
![]() |
Brief History |
Ang Barangay Poblacion ang pinakamatandang barangay sa lahat ng barangay sa Sablayan. May layo itong isang kilometro mula sa bayan. Lumang Bayan ang dati nitong pangalan pagkaraang inilipat sa Barangay Buenavista ang tanggapan ng lokal na pamahalaan.
Ang Barangay Poblacion ang dating sentro ng Sablayan noong taong 1779 na nakasaad sa lumang dokumento ng mga Espanyol. Dito rin naninirahan ang mga Mangyan pero nang dumating ang mga tao galing Panay at Cavite, lumipat sila ng kabundukan. Taong 1829, nakalagay sa lumang mapa na iginuhit ng isang Misyonerong Espanyol na ang mga taong nakatira dito ay mayroong dalawang kanyon na ginamit sa labanan sa mga piratang Moro. Taong 1832, isang misyonerong pari ang nadestino dito at siya ang huling Gobernador Heneral na hindi na pinagbayad pa ng buwis ang mga nakatira dito dahil sa sila naman ang gumawa ng simbahan, kumbento at pier. Ang mga nagsilbing cabeza de barangay ay sina Josef Leonado, Agustin del Rosario, Eusebio de Leon, Leocario Manuel, Igacio Carpio, Juan Salvador, Vicente Salvador, Juan Solit, Estanislao dela Cruz at si Remegio Valenciano.
Nang mag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol noong 1896, isang grupo ng mga rebolusyonaryo ang nabuo sa pangunguna ni Kapitan Pedro Fernandez, ang Kapitan del Puebo ng Sablayan noon. Ang grupo nila ay inaresto ni Fr. Pedro Vicente isang Espanyol na pari na nakadestino sa lugar na iyon.
Noong ika-19 siglo, nang matalo ng mga Amerikano ang mga Espanyol, Pagkatapos ng ilang taon, ginawa ng sentrong lugar na ito ng Sablayan, ito ay ginawa sa pamamagitan ng Act. 1280 of the Philipine Commission, ginawa din dito ang Municipal Building ng bayan. Taon 1955, si Fr. Albert Cook, SVD ang nagbukas sa Poblacion ng kindergarten at High School. Umunlad ang paaralan na ito sa pamamagitan ni Fr. Luis Halasz, SVD at sa kasalukuyan ito na ngayon ang Colegio de San Sebastian. Sa taong ito, si Hon. Leoncio Ordenes ang namuno bilang mayor ng bayan ng Sablayan, nagpagawa siya ng bagong Municipyo para sa Lokal na pamahalaan na kung saan ito ay nasa kalapit na barangay at ito ay ang Barangay Buenavista.
Sa panahon ng panunungkulan naman ni Loreto Urieta bilang punong bayan, nakapagpagawa siya ng konkretong pier na kung saan ito ay matatagpuan sa poblacion. Isang Hospital naman ang pinagawa ng Simbahan ng Katoliko sa nasabi ring lugar. Sa kasalukuyan ang nasabing Hospital ay pinamumunuan ng mga Relihiyosong Madre na Miyembro ng Dominican Sisters of Sienna, ito ang Saint Martin Missions Hospital sa kasalukuyan.
Ang mga namuno naman na Tenyente del Bario noong 1960-1964 Ramon Paquing, 1964-1967-Andres De Jesus. Punong Barangay o Kapitan naman ang tawag sa mga namumuno noon sa Barangay, ito ay sina: 1984-1987- Lucio Martinez, 1987-1991- Adelino D. Zamora, 1991-1994-Aurelio A. Gonzales Sr., 1994-1997 - Rosauro C. Pasajol, sa panahon ni Rosauro Pasajol ng naging batas ang RA 7160 o Local Government Code of the Philippines dahil sa batas na ito nagkarron ng sariling pondo ang mga Barangay mula sa National Government, dahil dito nakapagpatayo siya ng Barangay Hall na yari sa konkreto. Taong 1997-2001 si Amable B. Urieta ay nahalal na Punong Barangay. Sa panahon niya nakapagpatayo siya ng Day Care Center sa barangay proper at Health Center sa Sitio Punta. Taong 2001 Barangay Election muling nahalal si Amable B. Urieta Sr. bilang kapitan ng Barangay at noong Mayo 2004 sa panahon ng kanyang termino siya ay nahalal na konsehal ng bayan, kaya’t pinagpatuloy ng unang Kagawad na si Norlito P. Saballo ang panunungkulan bilang Kapitan ng Barangay hanggang Nobyembre 30, 2007. Sa panahon ni Kapt. Norlito P. Saballo naipatayo ang multipurpose hall ng barangay na ngayon ay ginagamit na barangay hall. Oktubre 29, 2007 ng manalo sa barangay eleksyon si Pedro U. Gonzales III, at nagsimulang manungkulan noong Disyembre 1, 2007 hanggang Nobyembre 30, 2010. At noong Oktubre 25, 2010 muli siyang nahalal sa ikalawang termino bilang kapitan ng barangay at noong Oktubre 28, 2013 muli siyang nahalal sa ikatlong termino bilang kapitan. Sa kabuuan si Pedro U. Gonzales III, ay nanungkulan bilang Kapitan ng Barangay simula Disyembre 1, 2007 hanggang Hunyo 30, 2018 sa kanyang termino naging proyoridad niya ang pagpapaliwanag ng kalsada nagpagawa siya ng Street lights, nakapagpatayo rin siya ng covered court sa Poblacion proper, sea wall sa punta at mga basketbolan. Noong Marso 2015 sa panahon rin niya nakakuha ng proyekto mula sa DSWD KALAHI CIDSS KKB na dalawang proyektong Concreting of Barangay Road, ito ay naipagawa sa Zone II at Zone III.
Mayo 27, 2018 nang mahalal na kapitan ng barangay si Cesar Z. Mamitag Sr., at nagsimula manungkulan noong Hulyo 1, 2018. Sa kanyang pamumuno naging prayoridad niya ang pagpapatayo ng Solar Street Lights dahil sa nararanasang malawakang brownout sa lalawigan ng Kanlurang Mindoro. Nakapagpatayo din siya ng covered court sa punta at nilagyan niya ito ng movable basketball court, Drainage Canal sa Zone II, III, IV at V, at naipasemento rin niya ang kalsadang may habang 80 meters sa tapat ng bagong Poblacion Elementary School. Noong Abril 5, 2021 nang Manalo sa Municipal Community Driven Development Program (MCDDP) o Localized Kalahi ang Barangay Poblacion nakakuha ng 100% score ang barangay Poblacion kaya nakapagpagawa ng 260 meters na concreting of Barangay Road sa Zone II. Noong Marso 2023 sa ikalawang pagkakataon muling nanalo sa Municipal Community Driven Development Program (MCDDP) o Localized Kalahi at nakakuha muli ng 225 meters na concreting of barangay road sa Zone VII. Ang mga napanalunang proyekto sa MCDDP ay tumatak sa kasaysayan ng barangay Poblacion ang pangyayaring iyon, sapagkat simula noong 2006 ng magsimula ang kalahi ng mga proyekto sa bayan ng Sablayan ay noon lang nanalo ang Barangay Poblacion. Sa panahon din ng termino ni Kapitan Cesar Z. Mamitag Sr. ang inagurasyon ng bagong Poblacion Elementary School sa Zone II, ito ay naganap noong Marso 21, 2019, ang paglilipat ng bagong school ng elementarya ng Poblacion na matatagpuan sa tabing dagat at maaring maging sanhi ng kapahamakan sa mga mag aaral.
Noong Marso 17, 2023 Ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nag deklara sa buong Pilipinas ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ito ang pinakamalaking kalamidad na naranasan ang COVID 19 hindi lamang sa Barangay kundi sa buong mundo. Agad na binuo ang Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) for Health, at paggawa ng isang resolusyon na mabigyan ng pondo ang programa ng Disaster Risk Reduction Management for Health (Council).
March 14, 2020, binuo ang Barangay Task Force COVID 19, matapos bumaba ang Executive Order (E.O) galing sa Punong Bayan Andres D. Dangeros, hinggil sa mga patakaran na isasagawa ng Barangay. Nagkaroon ng mga assignments of duties ang Barangay Task Force COVID 19 na kinabibilangan ng mga kawan ng barangay sa pamumuno ng Barangay Captain Cesar Z. Mamitag Sr., Barangay health Workers at mga Barangay Tanod’s.
March 15, 2020, isinagawa ang pagbabandilyo sa nasasakupan ng Barangay upang ipaalam sa mga mamamayan ang magiging dulot sa lahat ng lumalaganap na salot/ sakit dulot ng COVID 19, base sa E.O na ibinaba ng local na pamahalaan sa barangay, sinimulan ang mga check point sa loob ng nasasakupan ng barangay 24/7. Pag-iisue ng quarantine pass at mga certification sa mga kailangang bigyan ng barangay.
March 22, 2020, nagkaroon ng special session ang barangay council para sa paglabas ng pondo ng barangay na kukunin sa calamity fund. Nagpurchase ang barangay ng 67 cavans of rice.
March 23, 2020, distribution of 67 cavans of rice (Barangay Fund), ang mga nabigyan ng bigas ay ang TODA, 237 construction workers, laborers, at frontliners.
March 26, 2020, tinanggap ni Barangay Captain Cesar Z. Mamitag Sr. ang Limampung Libong Piso (Php50,000.00), mula kay Gov. Eduardo B. Gadiano.
March 27, 2020, nagpurchase ng 33 cavans of rice upang maipamahaging muli sa mga pamilyang nabibilang sa poorest of the poor, tulong-tulong na nagrepack ng bigas ang council at staff ng barangay ng tig 5 kls per household.
March 28, 2020, ang patient #2 na naconfine sa St. Martins Hospital na sakop ng barangay, na nagpositibo sa COVID 19 (Admitted March 19, 2020) na siyang agarang nakipag coordinate ang barangay sa Municipal Health Office (MHO). Ang Alpha Kappa Rho Fraternity ay nakipag-coordinate sa Barangay para sa disinfection sa nasasakupan ng Barangay. Nagdala sila ng 24 liters na zonrox na gagamitin sa disinfection.
March 29, 2020, tinanggap ng Barangay ang 2,203 relief packs na buhat sa local government sa pamamahala ni MSWDO Ms. Joie Angway. Ito ay ipinamahaging muli sa lahat ng registered family’s ng Barangay Kagawad.
March 30, 2020, distribution 5 kls sa lahat ng registered families sa pamamahala ng mga Barangay Kagawad, BHW’s, Tanods, at Zone chairmans.
March 31, 2020, pagtatala ng mga datus ng enhanced community quarantine due to corona virus diseases 2019 (COVID 19), ito ay isinagawa ng legends for sectors. Nagbigay sina Mr. Seok Cheon Choi at Bong Suk Choi (NGO’s) ng 300 kls of rice sa barangay.
April 1, 2020, sinimulan ng barangay ang pagbibigay ng market pass, dahilan sa isang panibagong pamamaraan upang maiwasan ang sakit na lumalaganap, magkakaroon ng market scheduling ang pamamalengke na magsisimula sa ika-6:00 am hanggang 9:00 am, at 3:00 pm hanggang 5:00 pm.
April 4, 2020, pamimigay ng Social Amelioration Form ng mga BHW’s sa nasasakupan nilang mga purok.
April 5, 2020, pag-iissue ng Barangay I. D’s para sa mga binigyan ng SAC Forms galing MSWD. Sa parehong petsa din tinanggap ng barangay ang 130 packs of relief goods from LGU, at ipinamahagi ang 130 relief packs ng mga BHW’s sa kanilang mga nasasakupan na hindi pa nabibigyan ng ayuda kasama ang mga boarders. Hanggang magpatuloy-tuloy pa at umabot na sa taong 2022.
Sa lumipas na taon hindi malilimutan ang nangyaring pandemya na nagpahirap at nagpasakit sa mga tao, maraming nawalan ng trabaho, nawalan ng pagkain, nawala din ang transportasyon, panghimpapawid at panglupa, mga krimen na nangyari, maraming namatay mga mahal sa buhay, kamag-anak, kaibigan na hindi man lang nabigyan ng maayos na libing dahil sa pandemya at higit sa lahat ang hindi malilimutan bangungot na naranasan ng buong mundo.
Taong 2022 unti-unti ng nagkaroon ng trabaho ang mga dating nawalan ng trabaho at pagkakakitaan, nagkaroon na rin ng tuluyang transportasyon panghimpapawid at panglupa, marami na rin ang nagbukas at bumalik sa kani-kanilang mga negosyo. Sa kabila ng bangungot na ng nangyari dala ng pandemya, patuloy parin na bumabangon at lumalaban ang mga tao para sa kanilang mga pami-pamilya at mga mahal sa buhay. Ang pangyayaring nagbigay ng malaking aral hindi lang sa atin kundi sa buong mundo.
Offline Website Creator