Barangays > Gen. Emilio Aguinaldo

Logo Brief History

Ang lugar na ito ay dating malawak na lupaing pang-agrikultura na pag-aari ni Gen. Emilio Aguinaldo. Napakaraming tambo at dungon sa lugar na ito. Nang dumating ang grupo na mga mangingisda mula sa Panay, sila ay gumawa ng bahay kubo malapit sa dalampasigan at tinawag nila ang lugar na Tambungon, hango sa tambo at dungon. Ang unang nanirahan sa Tambungon ay mga pamilya ng Bernabe at Montillano mula sa Panay at mga pamilya ng Terrado at Guarda mula naman sa Manila.
Noong 1967, tumaas ang bilang ng mga naninirahan sa Tambungon. Dahil sa malawak na kapatagan ng Tambungon na sakop ng Sta. Lucia, ang Tambungon ay ginawang sitio nito. Ang mga residente ay humiling sa mga opisyales ng DepEd na magbukas ng pang-elementaryang paaralan. Pagkalipas ng tatlong taon, naitayo ang paaralan at si G. Federico Pacheco ang unang naging guro rito.
Noong 1974, tuluyan ng naging kumpleto ang pang-elementaryang paaralan at naging konkreto ito sa tulong ng gobyerno. Ang unang naging lider ng Tambungon ay si Vicente Ofema, na sinundan ni Rosalima Tiburania. Sa kanyang panunungkulan ay nakapagpatayo ng simbahang Katoliko na yari sa kahoy.
Noong 1982 ang Tambungon ay inihiwalay sa Sta. Lucia at naging ganap na Barangay at napalitan ng bagong pangalan na Gen. E. Aguinaldo. Ang unang nahalal na kapitan ay si Hon. Jerry A. Esteves Sr. at sa kanyang panunungkulan mula taong 1982-1990 ay nakapagpatayo ng Barangay Hall, Health Center at tulay na yari sa kahoy.
Taong 1990 ay naging kapitan si Hon. Diosdado Terrado, at sa kanyang panunungkulan mula 1990-1994 ay nakapagpatayo ng konkretong barangay hall, nakapagpagawa ng basketball court, konkretong entablado, dalawang (2) gusali ng silid-aralan para sa elementarya at pagpapakonkreto ng daan (100m) mula sa tapat ng Barangay Hall-Proper hanggang sa tapat ng bahay ni G. Jose Alvaro.
Taong 1994, naging kapitan si Hon. Sotero S. Salazar Sr. at sa kanyang pamumuno mula 1994-1997 ay nakapagpagawa ng konkretong waiting shed sa So. Kastila, nakapagbukas ng Farm to Market Road mula Gen. E. Aguinaldo hanggang sa Ligaya, nakapagpasemento ng ekstensyon ng kalsada sa Zone II (mula sa tapat ng bahay ni G. Jose Alvaro hanggang sa tapat ng bahay ni Hon. Ronuel S. De Jesus.
Taong 1997 ay naging kapitan si Hon. Escolastico B. Francisco, at sa kanyang panunungkulan ay nakapagpatayo ng konkretong gusali para sa Day Care Center, dalawang (2) yunit ng gusali para sa elementarya ng So. Kastila at Proper, pagpapagawa ng box culvert sa Gallenero Creek at pagbubukas ng FMR mula So. Kastila hanggang Kalari. Taong 2000 ay muling nahalal si Hon. Escolastico B. Francisco at sa kanyang pangalawang termino ay nakapagpagawa ng stage sa proper, remodeled ng barangay hall proper at pagpapagawa ng mga konkretong upuan sa plaza ng Gen. E. Aguinaldo Proper.
Taong 2010 ay nahalal bilang kapitan si Hon. Danilo L. Manuel Sr., sa kanyang panunungkulan ay nakapagpagawa ng isang yunit ng solar dryer mula sa programa ng KALAHI CIDSS , nakapagpagawa ng basketball court sa Proper, nakapagpatayo ng isang (1) yunit ng gusali para sa elementarya sa Proper at pitong (7) gusali para sa high school sa proper, nakapagpatayo ng gusali para sa senior citizen sa Proper at So. Kastila at nakapagparehabilitasyon ng gusali ng health center sa Proper at So. Kastila. Taong 2010 ay muling nahalal si Hon. Danilo L. Manuel Sr., sa kanyang ikalawang termino ng panunungkulan ay nakapagpagawa ng isang (1) yunit ng solar pit dryer sa tulong ng KALAHI CIDSS sa So. Kastila, nakapagpasemento ng 300m na kalsada sa bundok sa tulong pa rin ng KALAHI CIDSS, nakapaglagay ng street light sa Proper at So. Kastila, nakapagpatayo ng barangay hall sa So. Kastila at pagbubukas ng FMR mula sa National high way hanggang sa Tiburania farm.
Taong 2013 ay muling nahalal si Hon. Danilo L. Manuel Sr. bilang kapitan, sa kanyang pangatlong termino ng panunungkulan mula 2013-2018 ay nakapagbukas ng FMR sa Zone 3 mula sa Sibugan farm hanggang kay Estoquia farm, nakapagbukas ng FMR sa Zone 5, mula sa Nazareno farm hanggang Duabe farm, paglalagay ng RCPC sa Zone 1 at Zone 3, nakapagpagawa ng konkretong pampublikong palikuran sa Proper at So. Kastila, paglalagay ng indibidwal street light sa Zone 1 hanggang Zone 4, nakapagpagawa ng street light mula sa Sotero Salazar Jr.farm hanggang kina Carlos Sta. Maria farm, nakapagpatayo ng Day Care Center sa So. Kastila at nakapagpagawa ng CR ng Health Center sa Proper at So. Kastila.
Taong 2018 ay nahalal si Hon. Marites G. Cadiao bilang kapitan at sa kanyang panunungkulan ay nakapagpagawa ng MRF sa Proper at So. Kastila, kasalukuyang pagpapagawa ng covered court sa Proper, at nakapagpatapos ng dalawamput limang kabataan (25 Out of School Youth) sa tulong ng TESDA at PLAN International.
Taong 2019 ay nanalo ang Barangay sa programa ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Municipal Community Driven Development Project (KC CIDSS MCDDP) naipasemento ang daan sa Sona 4 na may habang 100 meters, dahil sa patuloy na kampanya para sa kalinisan ng barangay ay nagkaroon ng award ang barangay mula sa LGU ng “Clean and Green Barangay “. Sa kauna unahang pagkakataon ang Barangay Gen. E. Aguinaldo sa bayan ng Sablayan ang siyang unang barangay na nadeklarang Zero Open Defecation (ZOD) mula sa Provincial Level. Dahil sa programa ng Zero Open Defecation ay naipaayos ang Barangay Stage sa Proper at nakapagpagawa ng Standard Public CR sa Proper. Kasunod nito ay ang pagpapagawa ng Nutrition post Facility sa So. Kastila, nakapagpagawa din ng waiting shed sa Sona 3. Sa huling buwan ng taong 2019 ay muling sinubok ng panahon ang mga nanunungkulan. December 2, 2019 ay nagkaroon ng malakas na bagyo at isa ang barangay Gen. E. Aguinaldo sa sinalanta ng Bagyong Tisoy at marami ang mga naging apektado ng bagyo. Mayroong mga bilang ng bahay ang nasira, mga magsasaka, at mangingisdang apektado. December 25, 2019 ay dumating naman ang Bagyong Ursula, kung saan ang doble ang naging epekto nito sa mga mamamayan, nagkaroon ng bilang ng mga evacues at maraming magsasaka at mangingisda ang naapektuhan, at mga bahay na nasira.
Taong 2020, buwan ng Marso ay nagulantang ang lahat dahil sa pandaigdigang pandemya na tinawag na Corona Virus o COVID 19, na kung saan marami ang naapektuhan nito. Limitado ang galaw ng mamamayan, pinapayagan lamang lumabas ang 1 miyembro kada bahay, nagkaroon ng check point sa labasan at pasukan sa barangay, limitado lamang ang pumapasok sa trabaho, at ang mga bulnerableng sector ay hindi pinapayagan lumabas, lalo na kung ito ay may karamdaman. Tanging mga Frontliners at Health Workers ang pinapayagang pumasok sa trabaho. Nagkaroon ng modular at online class dahil ipinagbawal ang face to face classes, upang maproteksyunan ang mga bata sa Covid 19. Sa kabila ng mga aksyon na isinagawa ng barangay upang hindi magkaroon ng kaso ng COVID 19 ay nagkaroon pa din ng naitalang bilang na nagpositibo sa COVID 19., Ngunit hindi naging hadlang ang pandemya upang tumigil ang mga namumuno sa paggawa ng mga pamamaraan upang matugunan ang mga proyektong kinakailangang maaksyunan.
Nagkaroon muli ng Proyekto ang barangay mula sa Kapit Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services National Community Driven Development Project (KALAHI CIDSS NCDDP). kaya’t naipasemento ang daan sa Sona 3 na may habang 600 meters, at nakapagpatayo ng 1 unit 2 Classroom Highschool Building sa Sona 2 sa ilalim ng Kapit Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Municipal Community Driven Development Project (KALAHI-CIDSS MCDDP). Gayundin, nakapagpatayo ng New Model Barangay hall mula sa DPWH Project, at naging Champion at awardee sa Programa ng Oplan Pinaka at Oplan Pasibol na programa ng LGU. Nabigyang kalutasan ang problema ng Elementary School Annex So. Kastila hinggil sa Proof of Ownership na kinatatayuan ng Paaralan. Naisaayos ito sa tulong ng Head Teacher Sanny F. De Jesus. Sa tulong naman ng Comm. On Rules Kagawad Ronuel S. De Jesus ay naiupdate ang Tax Ordinance ng barangay.
Taong 2021 ay unti unting nagkaroon na ng roll out para sa Covid 19 Vaccines, na kung saan ay binigyang prioridad ang mga frontliners na mabakunahan. Dahil sa unti unting pagluwag at muling pagbubukas ng ekonomiya ay napagkalooban ng 19 Units ng Solar Street Lights ang barangay mula sa Provincial Government Office at 17 Units Solar Street Light mula sa LGU at ito ay inilagay sa Sona 1 hanggang Sona 4. Nakapaglagay din ng Culvert sa Zone 3 Sibugan Farm, Zone 4 Quilloy Farm, at Zone 6 Kalari. Nakabili din ng lupa na para pagtayuan ng Evacuation Center na may sukat na 1,000 square meters na mula sa 20% Barangay Development Fund ng barangay sa pagmamay- aring lupa ni G. Carlos Sta. Maria.
Taong 2022 dahil sa pandemya ay mayroong ibinabang proyekto ang KALAHI-CIDSS NCDDP Additional Financing Disaster Response Operation Modality (DROM) COVID. Nagkaroon ng mga gawain tulad ng Participatory Situational Analysis (PSA) at Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee meeting bilang preparasyon sa programa. Mula sa Kapit Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Municipal Community Driven Development Project (KC CIDSS MCDDP) nakapagpasemento ng Existing Barangay Road sa Sona 3 (Bundok) na may habang 150 meters at nakapagpagawa ng 80 meters na concreting canal mula sa Savings ng KALAHI CIDSS MCDDP.
Mula naman sa 20% Barangay Development Fund ng barangay, nakapagbukas ng Farm to market road sa Sona 1 Bancuro na may haba na 1 kilometro, nakapagpagawa ng 2 Unit ng Solar Dryer sa Sona 2 at Sona 4. Mula naman sa LGU, nakapagpasemento ng 100 meters sa Sona 2 sa harap ng Elementary School Proper, naging benefiaciary ng 1 Unit of Barangay Emergency Patrol, at napagkalooban ng pondo para sa pagbili ng lupa na pagtatayuan ng bagong High School Site sa Lupa ni G. Carlos Sta. Maria at Solid Waste Management Awardee.

Sa taong 2023 ay kasalukuyang nagpapagawa ng 1 unit Two Classroom High School Building mula sa KALAHI CIDSS NCDDP Additional Financing - Disaster Response Operation Modality (DROM) COVID , nakapagbukas ng Farm to Market Road sa Sona 3, naging benepisyaryo ng Shredder for fertilizer mula sa Department of Agrarian Reform, at muling nanalo sa Kapit Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services -Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay- Balik Probinsya, Bagong Pag asa Program (KC-KKB BP2P) at Kapit Bisig Laban sa Kahirapan- Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services Municipal Community Driven Development Project (KC CIDSS MCDDP) 2024. 

Mga Naging Opisyales ng Barangay General Emilio Aguinaldo

Termino Titulo Pangalan
1982–1990 Punong Barangay Hon. Jerry A. Esteves Sr.
1990–1994 Punong Barangay Hon. Diosdado Terrado
1994–1997 Punong Barangay Hon. Sotero S. Salazar Sr.
1997–2000 Punong Barangay Hon. Escolastico B. Francisco
2000–2007 Punong Barangay Hon. Escolastico B. Francisco
2007–2010 Punong Barangay Hon. Danilo L. Manuel Sr.
2010–2013 Punong Barangay Hon. Danilo L. Manuel Sr.
2013–2016 Punong Barangay Hon. Danilo L. Manuel Sr.
2016–2018 Punong Barangay Hon. Danilo L. Manuel Sr.
2018–Kasalukuyan Punong Barangay Hon. Marites G. Cadiao

Vice-Mayors of Sablayan (1941 - Present)

Barangay Officials

barangayofficial
Punong Barangay
Marites G. Cadiao
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Ma. Elena M. Mariano
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Pablito A. Colesio
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Lesther Justine D. Nagal
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Ludwina C. Esteves
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Eldie D. Dorado
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Jonathan M. Malunes
barangayofficial
Sangguniang Barangay Member
Charity D. Celino
barangayofficial
SK Chairperson
Rudolfo D. Francisco
barangayofficial
Barangay Secretary
Rowelyn A. Dichosa
barangayofficial
Barangay Treasurer
Leony F. Meralles

Tourist Spots

Mobirise Website Builder
Footer Logo
Contact Us

Phone
Mobile
Email
Fax

About
  • Sablayan LGU official website is developed primarily to serve as a centralized platform for the public to access important information, such as public services, policies, announcements, and contact details for government officials.

Free AI Website Maker